27/09/2025
Eto legit. Ngayon lang to.
Hindi ko akalain na dito ko tatapusin. Literal na lahat ng bagay may hangganan. Alam nyong mahal na mahal ko kayo mga manonood namin kada sabado. Pero punong puno nako. Pagod na pagod nako.
Paulit ulit na pagkakamali sa reality show. Paulit ulit na walang pakialam. Paulit ulit na puro turuan o puro sorry.
Hindi yan sa ngayong gabi lang. pero SOLID yung pamilya ko literal hinahayaan akong mabaon sa trabaho. Isusulat mo lang naman yung ganap mo sa isang linggo ako pa hahabol. Interview na bukas pero ako tong napupuyat lang. walang tumtulong. At kung tutulong mema lang.
Pasensya na kung nagka totoo. Pero literal na binaba ko na yung laptop ko. Ayoko na. Ayoko na makatrabaho yung pamilya ko. TORO FAMILY PADIN NAMAN KAMI dahil kami ni tyronia nagsimula. Hindi ko na talaga na kinakaya nila akong makitang hirap na hirap. Nagkatotoo ng tuloy tuloy na wala na pong upload ng REALITY SHOW. Hindi ito gagana kapag hindi ako umako ng lahat. Dapat dito team work. Pero wala ho sila nun.
Wala ng reality show dahil sa mga dahilan na:
Kesyo bagong panganak si papi
Busy si harvy sa renovation
8080 si mikay palaging sorry nalang at walang common sense
Buntis si ate mari
Englishero si landon
Walang kusa si vince
Bata pa si tyronia at the rest
AT PINAKA HULI SA LAHAT AYAW NA NI TONI FOWLER DAHIL PAGOD NA SYANG TANGGAPIN LAHAT NG DAHILAN NA YAN. Salamat ho sainyong lahat 🙏🏽
Alam nyong inilaban at pinaghirapan ko to na mapatagal na kasama nyo kami kada linggo 🙏🏽