01/09/2025
๐๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ช๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป!
๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐
September 01, 2025
Mariing kinokondena ng College Editors Guild of the PhilippinesโLaguna ang tumitinding pasismo at militarisasyon ng rehimeng US-Marcos Jr. nitong Agosto. Sa halip na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian, pinili ng estado ang walang habas na pambobomba, sapilitang pagpapalikas, arbitraryong pag-aresto, at pamamaslang sa mamamayan.
Noong Agosto 2, 2024, walang-awang binomba ng AFP ang Tagkawayan, Quezon; noong Pebrero 19, 2025, sinunog at pinasabugan ang mga bukirin sa Pola, Mindoro. Higit 500 sibilyan ang napilitang lumikas sa Quezon, Mindoro, at Bicol nitong mga linggo. Mula 2022โ2025, naitala ang 67,024 indiscriminate firing, 51,206 aerial bombings, at 45,097 forced evacuations, matibay na patunay na ang rehimeng US-Marcos Jr. ay masigasig sa panunupil kaysa sa paghahatid ng hustisya. Maging mga paaralan at komunidad ng magsasaka ay hindi ligtas sa marahas na okupasyon at panghaharas ng militar.
Kasabay nito, inilulunsad ng rehimeng Marcos Jr. ang tinaguriang National Action PlanโUnified Peace and Development (NAP-UPD) at ang kanyang โcomprehensive peace plan.โ Ngunit malinaw na ang laman nito ay hindi kapayapaan, kundi programa ng panunupil at pagpapasuko. Lalo nitong pinatitibay ang pekeng โlocalized peace talksโ na paulit-ulit nang kinondena ng mamamayan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang localized talks ay walang saysay dahil inihihiwalay nito ang usapin sa kabuuang estruktural na problema ng lipunan at ginagamit lamang para sa propaganda at sapilitang pagpapasuko ng mga rebelde.
โAng pasistang estado ay hindi kailanman maghahatid ng kapayapaan. Ang kanilang pambobomba at pamamaslang ay ebidensya na wala silang intensyon na tugunan ang ugat ng sigalot sa lipunan. Ang tanging solusyon ay makatarungang kapayapaan na nakaugat sa hustisyang panlipunan,โ pahayag ni Shan Kenshin Ecaldre, CEGP-Laguna Provincial Coordinator.
Hindi mapupulbos ng pananakot ang paglaban ng sambayanan. Ang armadong pakikibaka ay nananatiling lehitimo at makatarungan dahil nakaugat ito sa kawalan ng lupa para sa mga magsasaka, sa sahod na hindi makabuhay para sa manggagawa, sa kawalan ng trabaho para sa kabataan, sa kawalan ng pambansang industriyalisasyon, at sa kawalan ng hustisyang panlipunan. Ang mga problemang ito ang nagpapatuloy na nagtutulak sa mamamayan na mag-aklas.
Dahil dito, mariing ipinapanawagan ng CEGPโLaguna ang agarang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang peace talks ay ang konkretong proseso upang talakayin at lutasin ang ugat ng armadong tunggalian. Ang pagbali at pagsasawalang kibo ng estado sa negosasyon at pagpiling magpakatali sa pasistang militarisasyon ay malinaw na pag-abandona sa interes ng sambayanang Pilipino.
โMakatarungang kapayapaan ang tanging daan tungo sa pagbabago. Hindi ito makakamtan sa propaganda ng rehimeng US-Marcos Jr., kundi sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan, lupa para sa magsasaka, disenteng trabaho para sa manggagawa, makabayan at makamasang edukasyon para sa kabataan,โ Dagdag ni Ecaldre.
Kasabay nito, binibigyang-diin ng CEGPโLaguna na hindi hiwalay ang laban ng mamamayan sa kanayunan sa laban ng kabataan at ng campus press. Habang pinapaslang ng estado ang tinig ng mamamayan sa mga baryo, binubusalan naman nito ang mga kabataang peryodista at pahayagang pangkampus. Iisa ang lohika ng pasismo: patahimikin ang mga lumalaban at sisira sa kanilang ilusyon ng kapayapaan.
Dahil dito, iginigiit ng CEGPโLaguna ang pagpasa ng Campus Press Freedom Bill. Ang batas na ito ay mahalagang hakbang upang tiyakin na malaya ang tinig ng kabataan at hindi kailanman mapipigil sa kanilang tungkuling maglabas ng katotohanan at magsilbing tinig ng sambayanan.
โHindi kapayapaan ang katahimikan sa ilalim ng pasismo. Hindi kapayapaan ang pagkakait sa mamamayan ng kanilang mga karapatan. Ang tunay na kapayapaan ay makakamtan lamang kung mawawakasan ang sistematikong panunupil at maitatag ang lipunang nakabatay sa hustisya at kalayaan,โ giit ng CEGPโLaguna.
Ang CEGPโLaguna ay naninindigan na hindi kailanman matatahimik ang tinig ng kabataan at mamamahayag. Hindi kailanman mapipigil ng pananakot ang sigaw ng sambayanan para sa hustisya. Ang panawagan ng mamamayan ay malinaw at mariin.
Ibalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP! Wakasan ang pasistang militarisasyon! Ipaglaban ang campus press freedom! Isulong ang pambansang demokrasya para sa tunay na kalayaan at kapayapaan!