15/10/2024
1. 2023 pa lang, nakikita mo na mga banner at tarpaulin nila. "Ingat sa byahe", "Merry Christmas", at kung anu-ano pang "message of concern" ang nakalagay.
2. Bigla silang nagkaroon ng mga TV commercials out of the blue.
3. Bigla din silang naging endorser ng mga consumer products.
4. Wala siyang any prior experience sa public administration pero gusto agad mag senator o congressman.
5. Mayor siya dati tapos nag congressman tapos nag mayor ulit tapos gusto ulit ngayon mag congressman.
Kung yung pinag-iisipan mong iboto falls under any of these categories, I'm telling you, HINDI MO SIYA DAPAT IBOTO. Maawa ka sa mga anak at magiging apo mo.