Blue Sash Publication

  • Home
  • Blue Sash Publication

Blue Sash Publication Blue Sash Publication is the Official Publication of Lourdes College, Inc.

SA MGA LARAWAN | Ipinagdiriwang ng Lourdesians ang Buwan ng Wika sa Masigasig na mga AktibidadNgayong ika-13 ng Agosto 2...
13/08/2025

SA MGA LARAWAN | Ipinagdiriwang ng Lourdesians ang Buwan ng Wika sa Masigasig na mga Aktibidad

Ngayong ika-13 ng Agosto 2025, ang Lourdesian’s Association of Language Majors (LALM) ay nagdaos ng isang masigla at kulturang-mayaman na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” sa Lourdes College Main Campus.

Punong-puno ng mga mapanuring kompetisyon at malikhaing pagtatanghal kanina umaga at hapon na kung saan ay nagpakita ng talas ng isipan, kasanayan sa wika, at pagkamalikhain ang mga kalahok galing sa iba't ibang programa.

Sa umaga, itinanghal ang talento ng mga estudyante sa Sulat Sanaysay, Poster Making, at Tagisan ng Talino, na lahat ay tumalakay sa mga temang may kaugnayan sa kulturang Filipino at wika. Ang mga kaganapan naman sa hapon ay kasanayan sa pagtatanghal, tulad ng Biglaang Talumpati at Tanghal Tula, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa pampublikong pagsasalita at sining ng tula. Ang selebrasyon ay naging isang makulay na pagpapakita ng pamana ng Filipino, na nagpapalalim ng koneksyon sa wika at kultura sa lahat ng dumalo.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa iba't ibang paligsahan para sa Buwan ng Wika, naipakita ang malalim na pagnanais ng mga mag-aaral na itaguyod ang mga pagpapahalaga sa pagmamahal ng ating pambansang wika bilang Pilipino.

Ulat | Missy Grace Delmo
Litrato | Sean Owen Potenciando, Denise Pagaspas, Harnicym Patalinghug, Charmaine Anne Tolibas, Aliah Cabatas, Fretzie Jean Aban, Francis Nick Rubio, Tricia Padernal, Julianna Ebarle, and Kim Jemarie Baranggot



Happy Rajean Day! ✨A warm greeting to our sole writer from the Hospitality Management Program! Your initial journey with...
11/08/2025

Happy Rajean Day! ✨

A warm greeting to our sole writer from the Hospitality Management Program! Your initial journey with us was filled with growth as you continuously improved your skills over the months.

You have proven that humble beginnings are the source of progress. Your creativity and passion bring stories to our publications that align with our shared goal.

Wishing you another year filled with inspiration, joy, and endless adventures on and off the page.

Here’s to the happiest birthday ever! We wish you nothing but happiness and success in every story you write! ⭐️


Happy Ella day! 🌟As a new staffer, your creative writing style captivated us, cementing your place in the organization. ...
10/08/2025

Happy Ella day! 🌟

As a new staffer, your creative writing style captivated us, cementing your place in the organization. Your courage to join us was commendable since day one.

May this day be filled with magic and packed with joy and laughter as you pen your legacy into the pages of our publication!

We wish you the happiest birthday, Ella! Cheers to more courageous acts, no matter how small, we will be proud of you! 💐


IN PHOTOS | SW Affirmative Gathering 2025𝘖𝘯𝘦 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘵𝘩. 𝘖𝘯𝘦 𝘷𝘰𝘪𝘤𝘦. 𝘖𝘯𝘦 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺.With the theme “𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙤𝙣: 𝙐𝙨𝙖 𝙠𝙖 𝙂𝙞𝙣𝙝𝙖𝙬𝙖, 𝙐𝙨𝙖...
09/08/2025

IN PHOTOS | SW Affirmative Gathering 2025

𝘖𝘯𝘦 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘵𝘩. 𝘖𝘯𝘦 𝘷𝘰𝘪𝘤𝘦. 𝘖𝘯𝘦 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺.

With the theme “𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙤𝙣: 𝙐𝙨𝙖 𝙠𝙖 𝙂𝙞𝙣𝙝𝙖𝙬𝙖, 𝙐𝙨𝙖 𝙠𝙖 𝙏𝙞𝙣𝙜𝙤𝙜”, the Social Work Program of Lourdes College filled the LC Auditorium with prayers, inspiration, and unwavering support for the graduates who will take the Social Work Licensure Examination this September.

From heartfelt messages and symbolic candle lighting to moments of laughter, encouragement, and unity—the gathering became more than just a send-off. It was a powerful reminder that in the Social Work family, no one journeys alone.

This event stands as a beacon of hope and strength, proving that with shared purpose and compassion, we can light the way toward a future led by dedicated agents of change.

Words | Mary Margarette Labininay
Photos | Lezly Jane Alago




𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐑𝐘 | 𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐰𝐚𝐭Isa na namang araw, isa na namang Alas-siyete y medya ng umaga na klas...
08/08/2025

𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐑𝐘 | 𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐰𝐚𝐭

Isa na namang araw, isa na namang Alas-siyete y medya ng umaga na klase sa silid na hindi pa naman masyadong malamig. Sa saktong tatlumpu't limang upuan, ang silid na una'y may apat na tao lamang ay unti-unting napuno hanggang sa lahat ng silya ay may nakaupo. Ngayong araw, mayroon kaming apat na klase, kaya't palipat-lipat kami sa iba't ibang silid: 310, 304, 306, at 202. Sa lahat ng klase na iyon, ang aking mga mata ay patuloy na nakatingin sa harap at, paminsan-minsan, sa aking kanan—sa kaklase kong iyon na sadyang napakalakas ng dating.

Ang kanyang nakabibighaning "side profile"—matangos na ilong, maayos na buhok na nakahawi paatras na may iilang hibla na nahuhulog sa kanyang mukha, at mga pilikmata na hindi masyadong mahaba ngunit kaakit-akit na pino—ay patuloy na sinusubukang agawin ang aking atensyon. Ni hindi niya nga kailangang gumawa ng kahit ano, umupo lang siya't manatili, tila ako'y unti unti na rin na natutunaw.

Apat na klase, apat na silid, buong araw, ngunit hindi kami nabigyan ng pagkakataong magkatabi. Kung may pagkakataon man, ay laging may pasilyo at dalawang upuan na inokupa ng kanyang mga kaibigan sa pagitan namin.

Kung sa paningin ng iba, ito ay napakalayong agwat na, sa akin ay hindi. Sapagkat ako ay tila patuloy na nakikiliti sa isiping ito na ang naging pinakamalapit na distansya naming dalawa. Kahit nga sa ganitong agwat, para bang ramdam na ramdam ko ang kanyang presensya sa aking tabi, na para bang halos wala nang namamagitan sa amin.

Dalawang upuan at isang pasilyo na pagitan, sinubukan kong ituon ang aking atensyon sa klase, sinusubukang balewalain ang pag-udyok na tumingin sa gawi niya. Ngunit tulad lamang din nung dati, ako ay bigong isakatuparan ito. At buong araw, sa agwat na ito, pakiwari ko'y nandyan lamang siya, at kasabay din nito ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

𝐖𝐨𝐫𝐝𝐬 | Eicee Jane A. Balingkit
𝐈𝐥𝐥𝐮𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 | Edrose Christianne A. Gumpay
𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 | Yron Yuval L. Premacio




Meet the official staffers behind 𝐁𝐥𝐮𝐞 𝐒𝐚𝐬𝐡 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, the official student publication of Lourdes College for the Aca...
04/08/2025

Meet the official staffers behind 𝐁𝐥𝐮𝐞 𝐒𝐚𝐬𝐡 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, the official student publication of Lourdes College for the Academic Year 2025–2026.

From editors, writers, photographers, to broadcasters, each one plays a special role in bringing inspiring stories, art, and news to life. We’re proud and excited to serve the Lourdesian community with faith, service, and excellence! 🌟

Follow us for more updates and publications!

Layout | Jay-R Escala, Reeve Dalauta
Caption | Mary Angel Andrea Quijano



SA MGA LARAWAN | Binuksan ng LCSG ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang PambansaBilang masiglang pagbubukas ng pagdiriwang ...
04/08/2025

SA MGA LARAWAN | Binuksan ng LCSG ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Bilang masiglang pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, nagsagawa ng masayang pagtatanghal ang Lourdes College Student Government (LCSG) kasama ang piling mga student volunteers sa ginanap na morning assembly ngayong araw.

Pinagsama nila ang mga klasikong at makabagong Pilipinong awitin at sayaw upang mabigyan ng masiglang pagsalubong ang ipinagdiriwang na okasyon. Mula sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” layunin ng taunang selebrasyon na itaguyod ang kayamanan at kasaysayan ng wikang Filipino at katutubong wika bilang susi sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Photos | Jeannine Macarandan, Larra Villegas
Words | Reeve Dalauta


𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚Ngayong buwang ng Agosto, ipinagdiriwang na...
04/08/2025

𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚

Ngayong buwang ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, isang selebrasyon sa pagsasapuso at pagsasabuhay ng yaman at pagkakakilanlan ng ating sariling wika bilang Pilipino.

Sa pagtalima sa temang ito, ang Blue Sash Publication ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Isang paalala na sa bawat salita, nakaugat ang ating kasaysayan at nakatanaw ang ating kinabukasan. Gamitin natin ang ating wika upang maging boses ng katotohanan at pag-asa.

Layout | Alanis Paullo
Caption | Reeve Dalauta


01/08/2025

The heat of the day can't beat our new magazine issue, 𝓓𝓪𝓶𝓮 𝓾𝓷 𝓰𝓻𝓻𝓻! 🔥

The second issue of Volume 62 from last year's coverage is officially out, and it’s packed with stories that are nothing short of scorching. Get your copies now!




01/08/2025

𝑻𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒈𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒕𝒖𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈, 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒕𝒐𝒍𝒅! ✨

𝗩𝗼𝗹𝘂𝗺𝗲 𝟲𝟮, 𝗜𝘀𝘀𝘂𝗲 𝟮 is officially out now! Pick up your copy from your program officers and dive into the latest Lourdesian narratives.

Caption | Reeve Dalauta
Video Edit | Lorraine Sajol




Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Blue Sash Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Blue Sash Publication:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share