
23/09/2025
๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
Sa limangpu't tatlong taong nakalipas nang ideklara ni dating Pangilang Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law, bakas sa kasaysayan ang galit at dugo ng paghihirap mula sa bawat Pilipino. Ngunit, ano nga ba ang katotohanan sa likod ng madilim na panahong ito? Tunay nga bang bumuti ang kalagayan ng Pilipinas o ang kalagayan ng mga namumuno ang patuloy na bumubuti?
Sa pamamalakad na ipinagsasawalang bahala ang sigaw ng Pilipino, patuloy pa ring nakikipaglaban nang patas ang bayang minamahal. Ngunit, harap-harapan pa ring nagpapanggap na bingi ang gobyerno, sapilitang pinipikit ang mga matang saksi sa katotohanan. Itinutulak sa pananaw ng bawat na isa ang istoryang taliwas sa kasaysayan.
Kung kaya, patuloy pa rin nating buksan ang ating isipan. Pilitin nating alamin ang katotohanan sa likod ng mga kuwentong kanilang isinulat. Maging dugo man ang produkto ng ating pagsigaw tungo sa katotohanan, lahat ay magbubunga pa rin para sa ating kinabukasan. Sapagkat ang libo-libong boses ay siya ring handa na mamatay laban sa katiwalian, habang pinaninindigan ang natatanging Perlas ng Silangan.
๐๐๐ ๐ข'๐ญ ๐ฅ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ค๐๐จ, ๐๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ ๐จ.