17/03/2026
GOBYERNO, TARGET KUMUHA NG 2 MILYONG BARILES NG LANGIS
Plano ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC), na kumuha ng hindi bababa sa 2 milyong bariles ng langis.
Layunin nitong palakasin ang supply ng bansa sa gitna ng posibleng kakulangan at pagtaas ng presyo dahil sa krisis sa Middle East.