12/09/2026
๐ฝ๐ท ๐บ๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐
๐๐บ ๐๐ฐ๐ฎ๐ช๐ณ๐ข ๐๐ฆ๐ฐ๐ฏ๐ฏ๐ข ๐. ๐๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ฐ | ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ฐ๐ณ ๐๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
โ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ง๐๐ก๐ข๐ก๐ข๐ซ๐๐ฉ๐๐ง ๐ค๐๐ฒ๐จ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ง ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ค๐จ,โ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฎ๐ฉ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ, ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ, ๐๐๐ซ๐ ๐๐ข๐ฆ๐ฆ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฎ๐ญ๐๐ซ๐ญ๐-๐๐๐ซ๐ฉ๐ข๐จ.
Malaki ang agwat sa pribilehiyo ng mga ordinaryong Pilipino kung ang pagbabasehan ay ang kapangyarihan ng mga nakaupo sa gobyerno, nakapagtatakang sila pa ang lumuluha at umaastang biktima sa naratibong sila lamang ang makikinabang, bagay na salungat sa katotohanan.
Maraming pagkakataon na ang ipinapamalas ng Bise Presidente ay taliwas sa layunin at tungkulin na kaniyang sinumpaanโmula sa kaniyang pagmumura at pagiging negatibo ng pananalita, hanggang sa pagiging bayolente sa kapwa opisyal at pagbabantang ipapatay ang Pangulo ng bansa. Kabilang sa mga sumikat na insidente ay noong sinuntok niya ang opisyal na si Davao Regional Trial Court Sheriff Abe Andres, sa kadahilanang hindi nito pinayagan ang pag-antala ng demolisyon sa syudad ng Davao.
Kasalukuyan siyang humaharap sa mga alegasyon ng paggamit ng konpidensiyal na pondo na may kaduda-dudang likidasyon na magpapatunay kung saan talaga ito nagamit sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP). Hindi ito ang unang pagkakataon na isinailalim siya sa impeachment trial para sa parehong kaso at usapin; noong Pebrero 5, 2025, naghain na ng kaparehong kaso ang Kamara (House of the Representatives) ngunit ito ay nabasura dahil sa teknikalidad o ang โ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ ๐ฃ๐ข๐ณ ๐ณ๐ถ๐ญ๐ฆโ kung saan hindi maaring maghain nang higit sa isang reklamo sa loob ng isang taon. Bukod dito, isa pa sa mga rason ay ang kaniyang lantarang pagbanta sa buhay ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Unang Ginang Marie Louise โLizaโ Araneta-Marcos
Marami ang bumabatikos sa ganitong asal ng Bise Presidente Duterte; mga kritiko, ang taumbayan, mga senador, at pati na rin si Palace Press Officer Claire Castro. Nagsimula ang kanilang sagutan noong Agosto 6, 2026 na sinimulan ng Bise sa kaniyang press conference kung saan isinaad niya na dapat maging propesiyonal si Castro dahil kinakatawan niya ang Office of the President.
"๐๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ณ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด,โ sagot ni Castro kinabukasan noong Agosto 7. "๐ฆ๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฒ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป [๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐] ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐๐ฏ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ,โ dagdag pa niya.
Kung babalikan ang panahon ng nagdaang eleksyon noong 2022, kung saan nabuo ang alyansang "UniTeam" na tambalang Marcos Jr. at Duterte, parehas na parte ng dinastiyang pulitikal (political dynasty), sila rin ay anak ng mga makapangyarihang pangalan sa mundo ng pulitika na naging pangulo din ng bansa at sa huli, nakuha nila ang pulso ng taumbayan. Ngunit matapos maipakulong si Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) sa The Hague noong Marso 11, 2025, sa alegasyong crimes against humanity, nagsimula ang hidwaan ng dalawang panig.
Bukod pa rito, inakusahan pa niya ang Palasyo na siya ay isinailalim sa โ๐ฑ๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ข๐ด๐ด๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ตโ matapos siyang bigyan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest sa tatlong bilang ng ๐จ๐ณ๐ข๐ท๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ด ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐จ๐ฆ๐ด at pumunta sa korte upang mag piyansa nitong Setyembre 5, 2026, ngunit hindi binigyan ng pagkakataong magsagawa ng mugshot.
"๐ ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ผ๐ ๐ณ๐ฒ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ. ๐ ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ผ๐ ๐ณ๐ฒ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฒ. ๐ฃ๐๐บ๐๐ป๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ฝ๐๐บ๐๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐,โ ani Bise Presidente Duterte, suot niya pa noong araw na iyon ay itim, dala-dala ang mga tagapagpahayag; pati ang mga taga-suporta nito sa harap ng media ay paulit-ulit niyang inaalala ang seguridad o kaligtasan niya at sinasabing hindi na siya nagtitiwala sa mga awtoridad. Ngunit matatandaan natin na minsan niya ring sinabi na โfully functionalโ ang sistema ng hustisya sa ating bansa dahil nais niyang dito sa Pilipinas maganap ang paglilitis sa kaniyang ama (FPRRD) at hindi sa International Criminal Court (ICC) na nasa The Hague, Netherlands.
Sa tulad niyang mayroong kakayahang kumuha ng abogado, at protektado ng mga pulis na handang magtatanggol sa kaniya, animoโy nakikisimpatya pa siya sa mga ordinaryong Pilipinong nakaranas nang hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-aresto, pangrered-tag o pagbibintang sa mga inosente, at ang walang katapusang buhos ng ulan sa bansa na tila ba nagpapalala ng mga nangyayari sa kasalukuyan.
Sa kabilang banda, ang mga paratang na harassment sa Palasyo ay pinabulaanan naman agad ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, at isinaad na hiniling mismo ng kampo ni Duterte na siya ay lagyan ng posas at ikulong agad siya sa Camp Crame, bagama't hindi pumayag si Remulla at sa halip ay sinunod ang tamang proseso sa ilalim ng rule of law. Aniya, isa lamang itong โdramaโ na umanoโy nais mangyari ng Bise.
Tila parang isang teatro at ang mga tagapanood ay ang mga Pilipino; siya ang bidang kaawa-awang inaakusahan at mistulang biktima. Kung ito ang mga karanasang kaniyang itinuturing na mas "matindi" sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo, isang kahig isang tuka, mga batang hindi nakakapag-aral, mga manggagawang lumalaban nang patas, at taumbayan na naghahangad ng hustisya at pananagutan ngunit hindi nakamtanโkung titignan ay tila ba ang totoo niyang problema ay ang katotohanang mawawala siya sa puwestong nagbibigay ng kapangyarihan sa kaniya; na siyang ibinigay rin ng taumbayang pinababayaan niya.
Kung ikukumpara ang kamay na bakal ng mga Duterte at ang kamay ng mga Pilipinong naghihikahos, nalulunod at humihingi ng saklolo sa gobyernong nasa itaas ng tatsulokโsa laki ng pagkakaiba sa katayuanโmakikita ang tunay na biktima. Mas malinaw pa sa tubig-bahang hindi humuhupa na hindi ang lumuluhang buwaya ang biktima na habang nagpapanggap itong umiiyak, nilalamon na pala nito ang kaniyang pain.
Editorial Cartoon by: Christian Angelo Blanco | Junior Illustrator