MGA Kathang ISIP

  • Home
  • MGA Kathang ISIP

MGA Kathang ISIP This is a compilation of original Love, Comedy, Horror and # # # stories. "pampalipas oras lang guys.

01/09/2016

" Estudyante"
( part 2 )

dalawang linggo na ang nakakaraan ng magsimula ng makaramdam si irvin ng kakaiba sa kanyang sarili at nagsimulang matakot hanggang sa kausapin ni irvin ang kanyang bestfriend na si niño tungkol dito...

irvin: tol wala kbang napapansing kakaiba sa room natin
niño: meron tol
irvin: talaga tol. ako din kase meron e nitong mga nakaraang araw. anu ba napapansin mu sa room tol
niño: ah ikaw pansin kong lagi kang tulala at nakatitig sa likod ng upuan ni lester. bakit tol dun ba nakasulat lahat ng sagot sa mga tinatanong ng mga titser natin ?
irvin: ha. ndi ah tol. bakit mu naman naisip yun?
niño: wala naman tol pansin ku lang kase kahit titig na titig ka dun at parang wala sa sarili kapag tinawag ka ng mga titser natin at tinanong alam na alam mu pa din ang sagot
irvin: hmmmmm ewan ko tol (sabay kibit balikat)

rinnggg... rinnggg...
(hudyat na tapos na ang recess)

niño: tara na tol pasok na tayo tulala ka na naman dyan e
irvin: teka tol nakita mu ba yun?
niño: alin tol? sira wala ng tao pumasok na mga kaklase natin.
irvin: ndi tol. yun matandang lalaki kanina pa sya nakatitig sayo e parang hindi nga kumukurap e.
niño: hoy tol pumasok na nga tayo. hirap ng masyadong matalino kung anu-anu na naiisip at may nakikita pa. (sabay lakad ni niño papunta sa building nila na hindi na nilingon si irvin sa kinauupuan nito)

samantala nanatiling nakatingin si irvin sa direksyon kung saan nya nakita ang matandang lalaki ngunit hindi na muli ito nagpakita sa kanya hanggang sa namalayan ni irvin na nag iisa na pala siya sa tambayan nila ni niño kapag reses at natanaw nya si niño na paakyat na ng hagdanan patungo sa kanilang silid na nasa ikalawang palapag. nagpasya narin si irvin na tumayo upang magtungo na rin sa kanilang subalit bigla siyang napatigil ng bigla bigla ay muling sumagi sa kanyang paningin ang matandang lalaki na kanyang nakita kanina ay nakatayo sa pinakahuling baitang ng hagdanan na inaakyatan ni niño at sa isang iglap ay kitang-kita ni irvin kung pano itinulak ng matanda si niño kasabay ang paghampas ng malamig at malakas na hangin...

irvin: NIÑOOOOOOOOOOOO.....
(malakas na sigaw ni irvin, 《 na umalingawngaw sa buong eskwelahan na ikinagulat ng lahat 》habang tumatakbo patungo sa kinahulugan ni niño)

itutuloy ....

01/09/2016

" Estudyante "
( part 1 )
.grade 5 student si irvin at transferee sa isang elementary school sa liblib na bayan ng rizal na kung saan ang bawat paligid ay napapalibutan ng mga bundok at matataas na punongkahoy na napaliligiran ng bahagi ng laguna lake..

si irvin ay isang pasaway at makulit na estudyante at nahaling sa barkda na syang naging upang ilipat sya ng paaralan ng kanyang mga sa lugar ng kanyang lolo at lola sa kanyang paglipat ng paaralan isang pangyayari ang babago sa takbo ng kanyang pag aaral at maging sa kanyang buhay..

simula na ng klase sa bagong paaralang papasukan ni irvin masaya ang lahat na nagku kwentuhan tungkol sa nagdaang bakasyon samantalang si irvin ay tahimik sa kanyang kinauupuan at nagbabasa ng libro. Sa ngayon ay nagsusumikap na si irvin sa pag aaral at pinagbubuti ang lahat katulad ng ipinangako nya sa kanyang mga magulang.

At lumipas ang ilang buwan na naging matagumpay nga sya sa kanyang pagsusumikap at ikinagulat iyon ng kanyang mga magulang. sari-saring recognition certificate burpins at medals ang naging pasalubong nya sa kanyang mga magulang tuwing matatapos ang markahan at may mga kompetisyon syang sinasalihan. at di nagtagal ay naging tanyag si irvin sa buong paaralan dahil sa naging taglay nyang katalinuhan.

*** end ***

abangan nyo po ang part 2😆😆😆

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MGA Kathang ISIP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share