13/08/2025
TINGNAN | Nagtulos ng kandila ang mga alagad ng midya sa tapat ng Vinzons Hall sa University of the Philippines Diliman, hapon ng Ago. 13, para sa mga mamamahayag ng Al Jazeera at dalawang manggagawa sa midya na pinaslang ng pagbomba ng Israel sa tabi ng Al-Shifa Hospital sa Gaza.
Ayon sa College Editors Guild of the Philippines, parte ng henosidyo sa Gaza ang pagpaslang sa mga mamamahayag. Nasa mahigit 60,000 buhay at mahigit 150,000 ang sugatan sa walang patid na atake ng Israel sa Gaza mula Oktubre 2023.
Sa kabuuan, tinatayang mahigit 270 na ang bilang ng mga pinaslang na mga mamamahayag at manggagawa sa midya sa Gaza sa loob ng mahigit dalawang taon.
Naitala ng Amnesty International na ang sitwasyon sa Gaza ang pinakamadugong pamamahayag ng giyera para sa mga alagad ng midya.
Binigyang-diin ni Mara dela Cruz ng Ateneo 4 Palestine ang katahimikan ng rehimeng Marcos Jr. sa gitna ng nagaganap na henosidyo sa Palestina. Aniya, patuloy ang paglilingkod ni Marcos Jr. sa interes ng United States ay nangangahulugan ng pagkakasala ng gobyerno sa bawat buhay na kinitil ng militar ng Israel.
Pahayag naman ni CEGP national spokesperson Brell Lacerna na ang laban para sa isang malayang pamamahayag ay ang paglaban para sa paglaya ng bayan mula imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. 📸Charles Edmon Perez