Sir V Says

Sir V Says Diary of a Fanboy

I was able to be 1st in Line for G22's 'Groove On' Music Video Premiere which happened at Cinema 3 of Robinsons Galleria...
25/05/2026

I was able to be 1st in Line for G22's 'Groove On' Music Video Premiere which happened at Cinema 3 of Robinsons Galleria yesterday.

It was a special moment for me as a silent enjoyer of G22'S music for almost 2 years. I finally managed to cheer in front of them as their fan. Plus, interacting with and almost beside them is sooo crazy! Maraming salamat sa buhay na ito.

My oh my!! 'Hot' is an understatement on how should I describe the MV! They totally stole the summer!!

Congratulations to G22!! Good luck on your upcoming concert!

22/05/2026

Good morning!

I will be posting some previous photos and some stories of my life as a P-Pop fanboy soon. ^_^

22/05/2026

Happiest moment of my life (so far...) 🥰

Aside from finally having an interaction with Dominique (3x 😭), lahat ng mga tao sa paligid ko good vibes lang at very supportive sa isa't isa. Hindi ko nakunan ng vid yung moment na yan pero someone did and out of nowhere, I told him na 'friends na tayo' aksjjdjajxb!! I am very asocial pero ibang pagkatao yata ako kapag nagiging fanboy.

Sana kung ano ang mga qualities na meron sa A'tin fandom ay patuloy na maipasa natin sa Xonara fandom. 😁

20/05/2026
17/08/2025

🌟 The Journey of Self-Improvement starts small. 🌟

Every little action adds up—reading a page, showing up at the gym, practicing one skill, choosing kindness. Don’t wait for a “perfect day” to begin. The best time is now.

👉 Focus on progress, not perfection.
👉 Be better than yesterday, not anyone else.

✨ What’s one small step you can start with today? Share it below ⬇️

"Kumusta ka ba talaga?"Hindi ’yung “okay lang” na default.Hindi rin ’yung scripted na “kinakaya.”Yung totooPag tapos na ...
01/08/2025

"Kumusta ka ba talaga?"

Hindi ’yung “okay lang” na default.
Hindi rin ’yung scripted na “kinakaya.”

Yung totoo
Pag tapos na ang ingay ng araw,
pag wala nang kailangang ipakita o patunayan…

Ano na lang ang natitira?

Pagod?
Tinatamad?
Gulong-gulo?
Tahimik pero may mabigat sa loob?

Hindi mo kailangang sagutin dito.
Pero sana maalala mong kahit walang nakakaalam,
may halaga pa rin ’yung nararamdaman mo.

🤍 Di man ako personal mong kakilala,
pero kung kailangan mo lang ng maririnig na “naiintindihan kita,”
nandito lang ang pahina na ’to.

"Pa'no tatakbo kung nakasunod o nakaharang? Oh!I'm actually the one who won't let go.Mukhang alam ko na kung ba't nagkag...
30/07/2025

"Pa'no tatakbo kung nakasunod o nakaharang? Oh!
I'm actually the one who won't let go.
Mukhang alam ko na kung ba't nagkagan'to."

There was a time I kept saying I wanted to move forward.
Gusto kong makaalis, makawala, maka-reset.
Pero kahit anong lakas ng sigaw ko, parang laging may pumipigil.

Kala ko sila.
Kala ko sitwasyon.
Kala ko kulang lang sa timing.

Pero habang tumatagal, habang iniiwasan kong harapin ’yung mga tanong sa loob…
napagtanto ko:
Ako pala ’yung umaaligid.
Ako pala ’yung ayaw bumitaw.

I was holding on to guilt.
To the version of me that should’ve done better.
To the mistakes I kept replaying.
To the comfort of staying stuck kasi kahit mahirap, familiar.

Moving forward sounds beautiful.
Pero minsan, ang hirap pala kapag ang harang… ay sarili mo rin.

Kung ikaw ’to ngayon, may masasabi lang ako:
Hindi ka mahina.
Marunong ka lang magmahal, kaya hirap kang bumitaw.

Pero bitaw doesn’t mean kalimot.
It means you finally chose you.
And that’s not selfish. That’s healing.

🤍 Huwag kang matakot iwan ang hindi na para sa’yo — kahit sarili mong version ’yon.

This was inspired by the song 'Umaaligid' by Sarah Geronimo and SB19. Stream the 'Music Film' now!
https://youtu.be/nBkdggyFs0o?si=mace5Byla2QmY2vk

🎧

"KAYA TODAY?"Baka. Siguro. Hindi ko rin sigurado.Hindi naman laging halata, pero may bigat na bitbit.Yung hindi masyadon...
30/07/2025

"KAYA TODAY?"
Baka. Siguro. Hindi ko rin sigurado.

Hindi naman laging halata, pero may bigat na bitbit.
Yung hindi masyadong mabigat para isuko ang lahat,
pero sapat na para gusto mong huminto kahit sandali.

Minsan hindi dahil wala kang lakas.
Minsan kasi... pagod na lang talaga.

Pero kahit ganyan, heto ka pa rin: gumigising, gumagalaw,
kahit walang palakpak, kahit walang nakakakita.

At kung wala pang nagsabi, ako na:
"Hanga ako sa tapang mo."
Kahit hindi mo ’yan lagi naririnig.
Kahit pakiramdam mo, hindi ka palaging tama o sapat.

Hindi mo kailangang tapusin ang laban ngayon.
Ang mahalaga: huminga ka.
At magpatuloy… kung kailan handa ka na ulit.

🤍 Kung kailangan mo ng kausap, minsan sapat na ’yung may nakikinig.

"Pagod na nga ako, pero ang utak ko… ayaw pa rin magpahinga."Alam mo ’yung tipong sumusuko na ang iyong katawan, pero an...
29/07/2025

"Pagod na nga ako, pero ang utak ko… ayaw pa rin magpahinga."

Alam mo ’yung tipong sumusuko na ang iyong katawan, pero ang isip mo, may panggabing shift pa?
May tasks pang nakatambay sa utak.
May nasabi kang paulit-ulit mong iniisip.
May pangarap kang gustong habulin, pero hindi mo na rin alam kung kailan ka hihinga.

Gabi-gabi na lang.

Kung pagod ka pero gising pa rin, baka hindi dahil kulang ka sa tulog.
Baka kulang ka sa pahinga na may nakakaintindi.
Baka hindi mo kailangan ng solusyon ngayon.
Baka kailangan mo lang ng makikinig, o kahit ng isang sandaling walang ingay, walang tanong, walang hinihintay na sagot.

Yung katahimikang hindi nakakabingi kundi nagpapahinga.

Relate ka ba dito? Kuwento mo sa comments. Baka dito ka makahanap ng konting katahimikan.

28/07/2025

Kamusta ka na?

Ako si Sir V.

Minsan, ang dami lang talagang naiisip. At sa dami nun, gusto ko lang may mapagsabihan; baka sakaling may makarelate... o kahit papano, makatulong.

Kaya binuhay ko ulit ang page na ito.

Hindi ito expert pieces of advice. Hindi ito pa-deep.
Pero kung naghahanap ka ng kwento, hugot, tanong, o simpleng "oo nga noh" moments
posibleng nasa tamang FB page ka.

May masasabi lang. Baka makatulong.

Paki-kalat sa mga kaibigan mong naghahanap ng matino (pero minsan hindi hahaha) na kausap.

Welcome, kaibigan! 🤍

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sir V Says posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share