20/02/2026
https://www.facebook.com/share/p/17dSXaGcZb/
๐ข๐๐ช ๐๐ผ๐๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น, ๐ก๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ญ๐ฎ๐ฐ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
San Fernando, Pampanga - Sa pangunguna ng Department of Migrant Workers (DMW), patuloy na pinagtitibay ang serbisyong pangkalusugan para sa ating overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng OFW Hospital na matatagpuan sa San Fernando, Pampanga.
Noong 2025, 124,947 pasyente ang napaglingkuran ng OFW Hospital sa outpatient, emergency, laboratory, diagnostic, at surgical services. Kasabay nito, 264,384 diagnostic tests ang naisagawa sa radiology, laboratory, respiratory, at heart station services. Testamento ang mga ito sa pinalakas na kapasidad ng ospital at konkretong serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay.
Kabilang sa mahahalagang kaganapan noong nakaraang taon ang pagbisita ng ILO Assistant Director-General Manuela Tomei; pakikipagtulungan sa Philippine Pharma Procurement Inc. (PPPI) para sa sapat na kagamitan at hospital suppplies; pag-upgrade ng DOH License to Operate mula Level 1 patungong Level 2; paglulunsad ng Migrant's Brew; at pagkamit ng DOH MFOWS Accreditation.
Ginawaran din ang OFW Hospital ng parangal na Public Facility of the Year sa GovMedia Awards 2025 sa Singapore, at ng Best Antimicrobial Stewardship Award. Sinimulan naman noong October 13, 2025 ang konstruksyon ng Cancer Care Center sa OFW Hospital, na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa groundbreaking ceremony noong December 10, 2024.
Ang mga tagumpay na ito ay sumasalamin sa determinasyon ng DMW na maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa kalusugan ng mga OFW at kanilang mga pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na tiyakin ang kapakanan ng mga Bagong Bayani ng Mundo. # # #