24/02/2017
TAKE TIME TO READ...
Sabi nga mahirap yumaman pero diba mas mahirap ang manatiling maging mahirapπ€ may point nga naman.
Lahat tayo may pangarap, Lahat tayo may goals sa buhay pero ang tanong dyan is kung hanggang saan o kailan mo kayang tuparin lahat yon. Syempre po hindi natin alam yung eksaktong sagot kasi kung alam natin sana ginawa na natin o maghihintay nalang tayo kung kelan yung nakatakdang panahon...
kung isa ka na lumaki sa hirap maiintindihan mo to ngunit kung hindi mo naman naranasan is congrats, dahil napakswerte mo.. may mga tao na pinanganak sa hirap, yung tipong hindi usual sa knila yung kumain ng 3 beses sa isang araw, yung tipong di mo na namamalayan andami nyo na sa pamilya nyo nadadagdagan na kayo dahil walang mapaglibangan magugulat ka nalang mula sa 3 kayong magkakapatid ay nadagdagan na ng walo, at kung pano mo nakikita dumadami kayo, mawawalan ng trabaho ang tatay at nanay mo. na kung noon naranasan mo na ikaw e dumedede ng masarap at branded e yung kapatid mo ay nagchachaga sa am. mapapaisip kapo, bata kapa pero un nasa utak mo e gusto mo ng lumaki o tumanda para makaaahon sa hirap. ginawa mo naman lahat nag aral ka mabuti, kahit minsan kulang un baon mo o wala kang pamasahe kasi may goal ka may pangarap ka, naging magaling ka sa klase, pero minsan kahit gaano ka kagaling sa klase may medals ka pag uwe mo ng bahay makikita mo sila, maiisip mo sana un medals pala is nakakabusog, habang inuumpisahan mo un pangarap mo na hindi lang para sayo kundi para sa pamilya mo andaming pagsubok na dadaan kung hindi ka masusunugan, may magkakasakit. magtatanong ka kung deserve mo ba ito, to the point na quequestionin mo nadin un Dyos na bakit sa trillion tao sa mundo bakit ikaw pa, pero alam nyo sa totoo lang wala ka naman magagawa kung hindi bumangon magtiwala ulit sa Dyos at magsimula ulit. madami kang maririnig na pangdodown, masakit na salita kahit pa mismo sa mga kadugo mo, na hanggang sa matuto kanalang wag na pansinin, mas naging matatag kana at mas matalino. ANO ba ang ending ng kwento na to? up to now wala padin pong ending pero anlaki na ng pagkakaiba mula sa buhay noon at ngayon, mas matatag at mas malapit ang kapit sa Dyos totoo po kasi yung mga pagsubok po na ngyayari sa atin is naging daan para magpursige at maging daan para maging ano tayo ngaun. Nasa atin yung sagot kung ano mangyayari satin bukas.hindi po sapat yung naging sitwasyon mo kahapon para wala kang gawin ngayon para sa bukas mo,we might be struggling or fail so many times but use that failure as your key to open the door of your own success.