09/09/2025
“Sa Likod ng Silid”
Masiglang pumasok si Ma’am Jessa sa school. Maaga pa lang, excited na siyang makita ang kanyang mga kindergarten students. Sinalubong siya ng masiglang bati at yakap ng mga bata. Ito ang pinakamasarap na parte ng kanyang trabaho, ang makita ang maliliit na mata na puno ng tuwa at kasabikan matuto.
Pero sa labas ng silid, iba ang mundo. Maririnig niya ang mga komento ng mga taong nag-aakalang madali lang maging g**o. Nasa loob ka lang naman ng classroom, nagtuturo ang dali lang at nag-aalaga ng bata. Ano bang nakakapagod doon?
Sa loob ng araw, napapaligiran siya ng kalat ng crayons, talsik ng juice, at walang katapusang Teacher! Teacher! calls. Eto ang reyalidad. Pagod man siya, madalas naiiyak na lang sa dami ng trabaho, pero sa bawat tawa at yakap ng kanyang mga estudyante, naaalala niya kung bakit niya pinili ang propesyong ito.
Maraming boss na lalong nagpapabigat sa trabaho at mas nakakapagod pero dahil sa mga ngiti ng kanyan mga estudyante napapawi ang mabigat na pasanin at pagod. Mapapagod man siya, hindi siya susuko. Para sa kanyang mga estudyante na para na ring mga anak niya, mahal na mahal niya sila. Sila ang dahilan kung bakit papasok siya ulit sa silid-aralan, palaging may ngiti sa mukha at pagmamahal sa puso.
Sa mga estudyante niya:
Salamat sa bawat araw na kasama niya kayo💛
Mahal na mahal kayo ni teacher❤️