18/07/2025
“IT IS ACTUALLY TRUE THAT A GOOD WOMAN BECOMES A REFLECTION OF HOW YOU TREAT HER.”
Kaya kung hindi mo nagugustuhan how she is acting, tingnan mo kasi paano mo siya tinatrato. Remember, reciprocator ang babae. Lalaki, initiator at leader.
Kadalasan, sinisisi natin ang ugali ng babae kapag nagiging cold, masungit, o hindi na sweet. Pero hindi natin nare-realize na baka napagod lang siya sa kakahintay ng effort mo. Baka kasi puro salita lang, pero kulang sa gawa.
Hindi mo siya kailangang regaluhan araw-araw o bigyan ng mamahaling bagay. Kadalasan, gusto lang naman niya yung konsistent ka, marunong makinig, at may respeto. Simpleng care at presence mo lang, sapat na para mapawi lahat ng pagod niya.
Kung mahal mo talaga, hindi mo siya bibitawan kapag hindi na siya kasing sweet tulad ng dati. Ang tanong kasi, ikaw ba, consistent pa rin sa pag-aalaga sa kanya? O baka kasi iniwan mo siyang mag-isa sa laban habang ikaw, abala sa iba?
Ang babae, marunong magbago depende sa nararamdaman niya. Kapag naramdaman niyang hindi na siya mahalaga, matututo siyang umatras kahit mahal ka pa niya. At kapag natutong hindi na umasa, hindi mo na siya mababalik kagaya ng dati.
So bago ka magreklamo kung bakit parang iba na siya, tanungin mo muna sarili mo. Baka hindi siya nagbago, baka lang napagod na siyang intindihin ka palagi. Tandaan mo, kung paano mo siya tratuhin, ganun din siya magrereflect sa'yo.
Amy Perez