Camp Darapanan News Updates

Camp Darapanan News Updates FOR LOCAL AND INTERNATIONAL NEWS
(2)

EVERYONE KNOWS WHAT IS REALLY HAPPENING, THAT SOME OF THESE ARE BEING HOLDEN BY THE NECK AND THOSE AT THE TOP WILL DO EV...
10/12/2025

EVERYONE KNOWS WHAT IS REALLY HAPPENING, THAT SOME OF THESE ARE BEING HOLDEN BY THE NECK AND THOSE AT THE TOP WILL DO EVERYTHING TO USE THEM AS A TOOL IN THE 2028 ELECTIONS....

π‹π€π“πˆππ‡ ππˆππˆπ’π“πŽ 𝐀𝐍𝐆 β€˜πƒπ„π‹π€π˜ 𝐁𝐘 πƒπ„π’πˆπ†π' 𝐒𝐀 𝐁𝐓𝐀: 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† π„π‹π„π‚π“πŽπ‘π€π‹ π•π€π‚π”π”πŒNagbabala si Atty. Jamal Latiph na a...
10/12/2025

π‹π€π“πˆππ‡ ππˆππˆπ’π“πŽ 𝐀𝐍𝐆 β€˜πƒπ„π‹π€π˜ 𝐁𝐘 πƒπ„π’πˆπ†π' 𝐒𝐀 𝐁𝐓𝐀: 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† π„π‹π„π‚π“πŽπ‘π€π‹ π•π€π‚π”π”πŒ

Nagbabala si Atty. Jamal Latiph na ang patuloy na pagkaantala sa pagpasa ng districting law sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay tila hindi na simpleng mabagal na proseso kundi isang sinasadyang paurong na galaw na maaaring magdala ng seryosong krisis pampulitika at legal.

Ayon sa kanya, may umuusbong na pananaw sa loob ng BTA na maaaring patagalin ang proseso upang humantong sa puntong mapilitang makialam ang Kongreso, magbigay ng panibagong extension o isabay sa 2028 elections. Ngunit binigyang-diin ni Latiph na maling kalkulasyon itoβ€”walang umiiral na panukalang batas sa Kongreso at malinaw ang posisyon ng ilang mambabatas: districting muna bago anumang diskusyon sa extension o synchronization.

Dagdag pa niya, final and executory na ang desisyon ng Supreme Court sa kasong Lanang Jr. at Macapaar, kaya hindi katanggap-tanggap na ituring na dahilan ang β€œpending motion” o β€œpolitical consensus” para magpatagal. Sa legal na pananaw, ang compliance ay hindi na opsyonal.

Ipinunto rin ng abogado na tumatakbo na ang kalendaryo ng COMELECβ€”pagsapit ng Enero 2026, magsisimula na ang filing of COCs. Kung wala pang districting law antes ng petsang ito, babagsak sa legal na limbo ang buong electoral process, bagay na tiyak na aabutin ng korte.

Kung sadyang binabagalan ng BTA ang proseso, aniya, naglalagay ito sa panganib sa mismong institusyon. Sa ganitong mga pagkakataon, hindi naghihintay ang korte para sa β€œpolitical convenience”—kumakilos ito kapag pumapalya ang lehislatura.

Sa huli, iginiit ni Latiph na iisa na lamang ang legal na landas: ipasa agad ang districting law. Aniya, β€œAng delay ay hindi na taktikaβ€”isa na itong panganib.”

For more; https://bmpgabay.com/2025/12/10/delay-by-design-atty-jamal-latiph-warns-bta-of-a-looming-legal-and-political-crisis/

𝐇𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 πŒπ€π‘π‚π‡ πŸ‘πŸŽ π‹π”πŒπ”π‹π”ππŽπ† 𝐒𝐀 π€π‹π€ππ†π€ππˆπ 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 πƒπˆ 𝐏𝐀 ππ”πŒπ€ππ€π’π€ 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐓𝐀 ππˆπ‹π‹Nagpahayag ngayong Martes ang Commission on...
09/12/2025

𝐇𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 πŒπ€π‘π‚π‡ πŸ‘πŸŽ π‹π”πŒπ”π‹π”ππŽπ† 𝐒𝐀 π€π‹π€ππ†π€ππˆπ 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 πƒπˆ 𝐏𝐀 ππ”πŒπ€ππ€π’π€ 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐓𝐀 ππˆπ‹π‹

Nagpahayag ngayong Martes ang Commission on Elections (Comelec) ng matinding pangamba dahil sa patuloy na hindi pagpasa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa bagong redistricting lawβ€”batas na magsisilbing pundasyon ng kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro sa Marso 30, 2026.

Ayon kay Comelec chair George Erwin Garcia, kritikal na ang sitwasyon.
β€œAng Comelec ay lubhang nag-aalala. Napag-usapan namin ito kanina. May deadline ang Supreme Court hanggang Oktubre 30, pero kami ay umaasang maaaring makahabol hanggang Nobyembre 30 ang BTA,” aniya.

Aminado si Garcia na nasa β€œquandary” o alanganing posisyon ang Comelec sa posibleng kahihinatnan ng eleksiyon sa Bangsamoro. Gayunpaman, tiniyak niyang gagamitin ng komisyon ang lahat ng ligal na mekanismo para maituloy ang halalan sa itinakdang petsa.

Matatandaang nagtakda ang Korte Suprema ng deadline para maipasa ang bagong batas na magre-redistrict sa pitong parliamentary seats ng Sulu. Sinabi ni Garcia na kaya pa itong habulin kung simpleng redistricting lamang ang gagawin ng BTA.

β€œKung redistricting lang ang ipapasa, wala kaming nakikitang problema. Maaari pa naming pagawan ng paraan para matuloy ang halalan sa Marso 30,” paliwanag niya.

Gayunpaman, nagbabala ang Comelec na kung sasabayan ito ng pagbubukas muli ng accreditation para sa mga political parties at sectoral groups, posibleng hindi na kayanin ang takdang timeline.

β€œDepende pa rin ang lahat sa magiging anyo ng batas na ipapasa ng Bangsamoro government,” dagdag ni Garcia.

Samantala naglabas ngayong gabi ng matinding panawagan ang Moro Islamic Liberation Front (M**F) sa BTA Parliament.
Hiling ng M**F: ipasa agad ang isang β€œsound, fair, at constitutionally compliant” na districting law bilang indikasyon ng seryosong pagtataguyod sa makatarungan at nakahandang halalan sa ilalim ng bagong parliamentary system ng Bangsamoro.

Ayon sa M**F officials, hindi lamang teknikal na usapin ang redistrictingβ€”ito ay pundasyon ng representasyon, tiwala ng publiko, at kredibilidad ng unang halalang parlyamentaryo ng rehiyon.
media production

SUPORTAHAN KAYA  NILA ITO?? ALAM NAMAN NG NAKAKARAMI NA ITO ANG PINAPALAGAN NG MGA TRADITIONAL POLITICIAN AT MGA OLIGART...
09/12/2025

SUPORTAHAN KAYA NILA ITO?? ALAM NAMAN NG NAKAKARAMI NA ITO ANG PINAPALAGAN NG MGA TRADITIONAL POLITICIAN AT MGA OLIGARTE ITONG BILL NA ANTI DYNASTY LAW AT PARTY-LIST REFORM LAW.....

I've just reached 35K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. πŸ™...
09/12/2025

I've just reached 35K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

READ I Official Statement on BARMM Parliamentary Election of the Moro Islamic Liberation FrontBismillahir Rahmanir Rahee...
09/12/2025

READ I Official Statement on BARMM Parliamentary Election of the Moro Islamic Liberation Front

Bismillahir Rahmanir Raheem.

The Moro Islamic Liberation Front (M**F) welcomes the Commission on Elections (COMELEC)'s issuance of Resolution No. 11181 scheduling the calendar of activities in anticipation of the first ever Parliamentary Election in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) on 30 March 2026, pursuant to the directive of the Supreme Court in Ali, et al v. Bangsamoro Transition Authority Parliament, et al. (G.R. No. E-02219) and Macapaar, et al v. Commission on Elections and Bangsamoro Transition Authority (G.R. Nos. E-02235). This move shows good will and accountability on the part the COMELEC in upholding the integrity of the electoral process in the BARMM, which is critical for the consolidation of peace and autonomy in the region.

However, existing laws and jurisprudence, including the aforecited cases, categorically prohibit, mandatorily and without exceptions, the alteration of any territory comprising an election precinct, or the creation of new precincts 120 days before election day. Hence, it is legally impossible to realize the election by 30 March 2026.

We strongly urge the Bangsamoro Transition Authority Parliament to immediately pass a sound, fair, and constitutionally compliant districting law without delay. Timely action will demonstrate a commitment to the welfare of the Bangsamoro constituents and to building a more unified and empowered society. This will likewise send a convincing signal to the Houses of Congress to enact a law setting the date of the 1st Parliamentary Election in the BARMM at the earliest possible time, and hopefully, still within 2026.

The M**F stands ready to cooperate with the COMELEC, the BARMM Government, and all stakeholders, aiming for a successful parliamentary election in 2026 that reflects the will of the Bangsamoro people. We manifest our relentless support in facilitating democratic governance in the BARMM, strengthening institutions, and reinforcing the rule of law in the region.

Magtulungan tayong lahat na maisakatuparan na ang eleksyon sa BARMM sa 2026.

Maraming Salamat. Shukran.

AL HAJ MURAD EBRAHIM
Chairman, Central Committee
Moro Islamic Liberation Front

Β©2025M**FChairmanOfficial

04/12/2025

Patadem❗

01/12/2025

LAHAT NG MGA KONGRESISTA sa BARMM, may pork barrel fund mula 2023 hanggang 2025, ayon sa PCIJ
- dxms radyo bida

In shaa Allah, sama-sama nating isusulong ang ating mga adhikain at pangarap, para sa isang Bangsamoro na tunay na maunl...
30/11/2025

In shaa Allah, sama-sama nating isusulong ang ating mga adhikain at pangarap, para sa isang Bangsamoro na tunay na maunlad, makatarungan, at mapayapa.

©️AlHajMuradEbrahim

P8.9 billion na budget ng OPAPRU inaprubahan ng senado; P1.7 billion ilalaan para sa pag-aaral ng mga M**F at MNLFMabili...
28/11/2025

P8.9 billion na budget ng OPAPRU inaprubahan ng senado; P1.7 billion ilalaan para sa pag-aaral ng mga M**F at MNLF

Mabilis na inaprubahan ng Senado ang P8.9-bilyong pondo ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU para sa 2026, kabilang ang P1.7 bilyong dagdag para sa Educational Assistance Program o EAP na direktang makikinabang ang mga pamilya ng mga dating mandirigma ng M**F at MNLF.

Itinulak ni Senadora Loren Legarda ang pagtaas ng pondo, na tinawag niyang peace, security, and education budget rolled into one, dahil target nitong palakasin ang transition ng mga dating combatant tungo sa mas matatag at produktibong pamumuhay.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng hanggang P50,000 kada mag-aaral kada school year ang mga decommissioned combatants, kanilang pamilya, at kwalipikadong Indigenous Peoples.

Aabot sa 32,000 benepisyaryo ang inaasahang matutulungan ng karagdagang pondo.

Binigyang-diin ni Legarda na ang edukasyon ang pinakamabisang panangga laban sa re-recruitment ng armadong grupo at susi sa pangmatagalang kapayapaan sa mga conflict-affected communities.

Itinuturing ang EAP bilang mahalagang bahagi ng socioeconomic track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, na layong putulin ang siklo ng radicalization at palakasin ang human development sa Bangsamoro.

Umaasa si Legarda na mananatili ang P1.7-bilyong dagdag sa Bicameral Conference Committee, kasabay ng panawagang tiyakin ng OPAPRU ang mahigpit at maayos na pagpapatupad ng programa.

Mga pananaw ng bangsamoro  kapag ipagpapaliban muli ang halalan sa BARMM ay naglalabas ng mga alalahanin tungkol sa kati...
24/11/2025

Mga pananaw ng bangsamoro kapag ipagpapaliban muli ang halalan sa BARMM ay naglalabas ng mga alalahanin tungkol sa katiwalian at pagsira sa demokrasya. Ang naantalang halalan ay maaaring humantong sa:
- *Kakulangan ng representasyon*:
Ang mga botante ay pinagkaitan ng kanilang karapatan na pumili ng mga pinuno
- *Matagal na pansamantalang pamamahala*:
Maaaring humantong sa hindi mabilang na paggawa ng desisyon
- *Nadagdagang kahinaan sa katiwalian*:
Kung walang mga halal na opisyal, humihina ang pangangasiwa

Dapat tiyakin ng Commission on Elections (COMELEC) ang napapanahong halalan upang itaguyod ang mga demokratikong prinsipyo.
hope the election goes ahead.

24/11/2025

Corrupt leaders can face severe penalties, including:
- *Imprisonment*: Up to 40 years or more, depending on the gravity of the offense
- *Fines*: Heavy fines, including restitution of ill-gotten wealth
- *Disqualification from public office*: Perpetual disqualification from holding public office
- *Civil liability*: Liability for damages and losses incurred by the government or individuals
- *Tax liabilities*: Payment of back taxes, including penalties and interests

Some notable anti-corruption laws include:
- *RA 3019*: Anti-Graft and Corrupt Practices Act
- *RA 7080*: Plunder Law
- *RA 9184*: Government Procurement Reform Act

to the rightful owner

Address

Dubai

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camp Darapanan News Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camp Darapanan News Updates:

Share