28/09/2024
Nagkakapera na from Facebook being a partner at streamer kase marami nang followers pero nanghihikayat pa sa mga followers na magsugal. Nakastream pa na naglalaro ng online sugal at pinapakita na nanalo. Mananalo sila kase accounts nila ay for promotion purposes and naka set na manalo. Pag nakita sila nananalo ma iinfluence ang mga viewers na sumugal. Pag sugal ng viewer sure talo. Panalo ang influencer at online sugal, talo ang na influence mag sugal.
Mag influence kayo na huwag mag sugal para naman di kawawa ang mga natatalo sa sugal. Mas malaki pa odds na matalo sa sugal kaysa manalo kaya huwag kayo mag sugal. At kayo mga influencers or sikat na streamers huwag na mag promote ng sugal. Kumikita na kayo sa platforms niyo, huwag niyo ng pagkakitaan ang kawawang mga ma influence niyong mga mag online sugal.
Walang nananalo sa sugal.