19/12/2025
"SALAMAT PA RIN KAHIT DI MO'KO PINILI.."
Naalala ko lang yung mga sandaLing naging bahagi ako ng buhay mo.. Napakasaya natin nun everytime na magkasama tayo.. Walang oras na sinasayang pag magkasama tayo, puro saya lang like kumain, kwentohan at tawanan basta masaya parang atin ang mundo nun..
Ngunit bigla may nagbago parang pakiramdam ko nabaliktad ang mundo.. Yung iniisip mong puro saya ay mapapalitan pala ng lungkot.. Dahil ang inaasahan mong sya na ang mundo mo ay sya pala ang wawasak sa pagkatao mo.
Ang hirap din pala ng puro saya ang pinaparamdam sayo dahil di mo namamalayan sinasaksak ka na pala patalikod..
Pero saLamat sa pagkakataon na pinaramdam mo sa akin ang masayang ala-ala, gustohin ko man na manatili ka sa akin pero hindi kita pwedeng piLitin na ako piLiin mo dahiL hindi mo naman ako sasaktan kung ako ang pinili mo maging mundo mo😔