18/03/2025
๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ก๐ข๐ง ๐๐๐ง๐ ๐๐ข ๐๐ฎ๐ญ๐๐ซ๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐๐ฒ๐ข๐ง?
Matatandaan niyo ba si ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฒ ๐ฉ๐ฒ๐น๐ผ๐๐ผ? Isang inang Pilipina, biktima ng kahirapan at pangakong trabaho sa ibang bansaโpero nauwi sa piitan, hinatulan ng bitay sa Indonesia. Hindi niya alam, may droga na palang isiniksik sa kanyang maleta. Isang OFW na sa halip na makapagbigay ng magandang buhay sa pamilya, ay muntik nang mamatay sa isang banyagang lupa.
Noong 2015, milyon-milyong Pilipino ang nanalangin, nanawagan, humingi ng awa. Ang buong bansa ay kumilos, sumisigaw ng โ๐๐๐๐ถ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฒ!โ Nakialam ang gobyerno, lumapit sa Indonesia, nakipag-usap, nakisuyoโlahat para lang hindi siya patayin. Kasi alam natin, hindi siya ang tunay na kriminal.
Pero ngayon, nasaan ang mga tinig na yun?
Si Rodrigo Duterteโdating Pangulo ng Pilipinas, pinakamatapang na lider sa kasaysayan ng bansaโngayon ay ikinulong sa ICC. At mas marami pa ang natuwa.
Bakit?
Bakit tayo lumalaban kapag isang Pilipino ang hinahatulan ng bitay sa ibang bansa, pero si Duterte, parang mas gusto pang mahatulan? Bakit kapag isang OFW ang nasa bingit ng kamatayan, tayo ay sumisigaw ng โHustisya!โ pero ngayon, ang ating dating pangulo, isang Pilipinong pinili nating mamuno, ay hinuhusgahan ng mga banyagaโat tayo pa mismo ang pumapalakpak?
Nakalimutan niyo na ba?
Duterte ang nagbigay ng amnestiya sa mga OFW na nakakulong sa ibang bansa. Duterte ang humarap sa mga banyagang lider para sa ating mga kababayan. Duterte ang nagsabing โHindi ko pababayaan ang Pilipino.โ
Ngayon, siya ang pinabayaan.
Ang ICC, isang hukuman ng mga dayuhan, hinuhusgahan tayo sa sarili nating bayan. Bakit sila ang mas may karapatan kaysa sa sarili nating batas? Sila ba ang dumaan sa digmaan natin kontra droga? Sila ba ang nakakita sa mga bangkay ng inabusong bata, sa mga pamilyang sinira ng droga, sa mga pulis na pinaslang ng sindikato?
Hindi nila alam ang tunay na kalagayan natin.
Pero tayo? Tayo mismo ang nagbubunyi.
Mas gugustuhin pa nating si Duterte ang ipakulong kaysa sa mga tunay na kriminal. Mas galit pa tayo sa taong lumaban para sa bayan kaysa sa mga taong sumira dito.
Ganito na ba kababaw ang pagmamahal natin sa Pilipinas?
Tandaan natin: Kapag hindi natin ipinaglaban si Duterte ngayon, huwag na tayong magtaka kung sa susunod, kahit sinong Pilipino na lang ay kaya nang hatulan ng dayuhan.
Mary Jane Veloso noon, Rodrigo Duterte ngayon. Sino ang susunod?