The Life Len's

The Life Len's Life's a journey, right? This is where I share my thoughts and experiences along the way.🖤

20/01/2026

Ikaw ba hanggang Kelan?

19/01/2026

Kamusta ka?
Ok ka lang ba?
Malungkot ka ba?
O masaya?

Kung masaya ka
totoo ba ang mga ngiti sa’yong mga labi?
Bakit ganun?
Nakikita ko sa mga mata mo
ang isang batang durog ang puso.
Isang batang ang daming gustong iparating sa mundo.
Isang batang gustong makaramdam,
mabigyan ng pagmamahal
na hindi kailanman niya hiningi.

Ang dami mong kwento
na gusto mong malaman ng iba
hindi para kaawaan ka,
kundi para maintindihan nila
kung gaano kabigat
ang dala-dala mo sa’yong dibdib.
Tama ba?
O mali

Tama ba na piliin na lang itago
ang totoong nararamdaman mo?
Kasi natatakot ka,
na kapag sinabi mo lahat ng mali sa’yo,
layuan ka ng mundo?

Pero ngayon,
nandito ako
ang ikaw na lumaki mula sa lahat ng sakit na ‘yon.

Naiintindihan kita,
kahit hindi mo nasabi lahat.
Hindi mo kailangang itago,
hindi mo kailangang tumakbo.
Kasi kahit ilang beses kang madurog,
may bahagi sa’yo
na marunong pa ring magmahal,
marunong pa ring umasa,
at marunong pa ring bumangon.

r.s🌊🖤

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Life Len's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Life Len's:

Shortcuts

Share