10/08/2025
Ito na ang gusto ko ngayon sa buhay ko, slow life sa Pilipinas kasama ang Pamilya ko at mga magulang ko.🥹🙏
Hindi ko alam kung dahil ba tumatanda na ako o dahil nag mamature na ako? 😅
Dati nung kabataan days gusto kong umalis ng probinsya kasi gusto ko mag explore sa city. Dun ko gusto mag work.
Pero ngayon napapagod na ako sa city life. yung mental load, mental health ko na ang nag su-suffer. 🥺
Don’t get me wrong ha, Dubai is safe and ang sarap ng buhay na ibibigay nya sayo ( Hindi ko po nilalahat, pero sa experience namin as a Family). I love Dubai. Forever 2nd home ko to at malaki ang pasasalamat sa mga biyayang naibigay/naibibigay ni Dubai at sa mga natutunan ko.❤️
Pero iba na ang cravings ko ngayon…
☀️ Umagang may kape, tunog ng tilaok ng manok, preskong hangin.
🌾 Nature sa paligid, kuliglig sa gabi.
🐓 Mag-alaga ulit ng mga manok, ibon, at kung ano-ano pa.
🛏️ Siesta sa hapon, walang hinahabol na oras.
🐶 Mga anak at pets na malayang tumatakbo sa malawak na bakuran.
☀️ Naaarawan, nauulanan, nadudumihan sa lupa — at masaya pa rin.
At higit sa lahat…
👵👴 Makasama ulit ang mga magulang ko.
Pagsilbihan sila, ihatid kung saan man sila pupunta, mabilhan kahit maliliit na bagay..
Magkape o kumain kasama nila habang nagkukwentuhan, hindi lang sa tawag o chat..🥹
Ito na yung mga moments na gusto kong habulin. Ito na yung pangarap ko ngayon..
Ayoko nang maging OFW… nakakapagod na…gusto ko nang umuwi ulit samin. 🥺🙏