Middle East Kabayan TV

Middle East Kabayan TV Expat life in the GCC, Sharing real stories on work, visas, travel, food & fun. Your go-to guide for Gulf living.
(201)

Kapag may nakikita akong nagreresign kahit wala pang bagong trabaho, hindi ko ito tinitingnan bilang padalus dalos na de...
04/11/2025

Kapag may nakikita akong nagreresign kahit wala pang bagong trabaho, hindi ko ito tinitingnan bilang padalus dalos na desisyon kundi bilang isang mensahe.

Hindi lang ito tungkol sa paghahanap ng mas magandang oportunidad. Madalas, ito ay tungkol sa pag-alis sa isang lugar na hindi na tama ang pakiramdam.

Natutunan ko na walang umaalis nang “wala lang.” Umaalis sila dahil sa kultura, pamumuno, o kapaligiran na unti-unting kumitil sa kanilang motibasyon o tiwala sa sarili.

Bilang mga pinuno, dapat nating tigilan ang pagtrato sa mga ganitong resignations bilang normal. Sa halip, dapat natin itong ituring na babala , isang senyales ng mga bagay na hindi na nasasabi ng ating mga team.

Akala mo introvert ka kasi gusto mong mapag-isa.Pero ang totoo, gusto mo lang ng kapayapaan.At nagiging palabiro at masa...
02/11/2025

Akala mo introvert ka kasi gusto mong mapag-isa.
Pero ang totoo, gusto mo lang ng kapayapaan.
At nagiging palabiro at masaya ka kapag kasama mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng peace.

Sulit pa ba mag tourist visa sa Dubai para maghanap ng trabaho?
02/11/2025

Sulit pa ba mag tourist visa sa Dubai para maghanap ng trabaho?

Drink Water Kabayan para makaiwas Kay Marites
01/11/2025

Drink Water Kabayan para makaiwas Kay Marites

Kung hindi pasado si applicant, sabihin ninyo.Kung may nahanap na kayong mas fit sa role, sabihin ninyo.Kung hindi kaya ...
31/10/2025

Kung hindi pasado si applicant, sabihin ninyo.
Kung may nahanap na kayong mas fit sa role, sabihin ninyo.
Kung hindi kaya ang salary expectations, sabihin ninyo.
Basta sabihin ninyo.

Ang negotiation may communication.
Kahit rejection, kailangan din ng communication.

Wag puro seen zone.
Lalo na kung umaasa ang tao sa reply niyo para maplano ang mga susunod na buwan o taon ng buhay niya.

Wag niyong hayaang magduda siya sa sarili niyang worth,
dahil lang natakot o tinamad kayong mag-reply.

Isang email lang naman yan 📩

Magandang paalala ito sa lahat lalo na sa may mga pinagdadaanan sa buhay🙌🙏
31/10/2025

Magandang paalala ito sa lahat lalo na sa may mga pinagdadaanan sa buhay🙌🙏

Kasya ba ang monthly sahod na 3500 Dirhams sa Dubai? Kung maayos ang paghawak sa pera, posible ang mamuhay sa Dubai gami...
29/10/2025

Kasya ba ang monthly sahod na 3500 Dirhams sa Dubai? Kung maayos ang paghawak sa pera, posible ang mamuhay sa Dubai gamit ang sahod na AED 3,500 monthly at makapag-ipon pa ng humigit-kumulang AED 1,530 bawat buwan. Maraming OFW sa UAE ang gumagamit ng ganitong paraan para mas makapag-ipon. Pag ikaw ay single at walang pinapadalhan sa pinas makakaipon ka ng 1,530 Dirhams (22,500 pesos ).

💰 Tinatayang Buwanang Gastos (Sahod: AED 3,500):
• Upa (Bed Space): AED 700
• Grocery: AED 700
• Transportasyon (Bus/Metro): AED 300
• Mobile Load/Bill: AED 70
• Personal na Pangangailangan: AED 200

🧾 Kabuuang Gastos:
• AED 1,970

💵 Posibleng Matipid Kada Buwan:
• AED 1,530

🪙 Mga Tip sa Pagtitipid:
• Mag-ingat sa paggastos sa grocery
• Iwasan ang mga hindi kailangang bilhin,wag uminom ng alak
• Hanapin ang mga discount at promo sa supermarket
• Maglakad na lang kung malapit ang pupuntahan

Isipin mong kinagat ka ng ahas, pero imbes na pagalingin ang sugat at lason,hinabol mo pa ang ahas para malaman kung bak...
29/10/2025

Isipin mong kinagat ka ng ahas, pero imbes na pagalingin ang sugat at lason,
hinabol mo pa ang ahas para malaman kung bakit ka niya kinagat at patunayan na hindi mo deserve iyon.

Minsan, sa halip na pagtuunan ng pansin ang paghilom,
inuubos natin ang oras sa paghahanap ng dahilan at hustisya!
kaya tuloy, mas lalo tayong nasasaktan.

HR: Magkano ang salary expectation niyo po?Aplikante: Mga ₱30,000 po kada buwan.HR: Malakas ang profile mo, pero medyo m...
28/10/2025

HR: Magkano ang salary expectation niyo po?
Aplikante: Mga ₱30,000 po kada buwan.

HR: Malakas ang profile mo, pero medyo mataas yan sa budget namin.
Aplikante: Gusto ko talaga tong posisyon. Kung ₱25,000 okay sa inyo, pwede akong mag-adjust.

HR: Sige, ayusin na natin sa ₱20,000.

Medyo nagdalawang-isip si kandidato… pero pumayag din.



Sa loob ng opisina:
Position filled! Budget natin ₱35,000 , hired at ₱20,000. Nakapagtipid tayo ng ₱15,000 bawat buwan!

HR Manager: “Excellent hiring!” 😏



Ilang linggo ang lumipas…
Nalaman ng bagong empleyado na ang mga ka-level niyang staff ay kumikita ng ₱30,000 - 40,000.

At doon nagsimula ang totoong kwento:
💥 Nawala ang gana
💥 Nawasak ang tiwala
💥 Bumaba ang performance
💥 Resignation letter sa mesa



Balik sa simula ang kumpanya:
🔄 May bagong vacancy
🔄 Recruitment na naman
🔄 Onboarding gastos
🔄 Productivity loss



Totoong aral:
👉 Ang pag-underpay sa magaling na empleyado ay hindi pagtitipid , kundi patagong gastos na mas malaki pa sa huli.

👉 Kung gusto mong magtagal ang top talent mo, bayaran sila nang patas mula sa unang araw.
Hindi lang sila nagdadala ng skills , dala nila ang loyalty, stability, at long-term growth ng kumpanya. 💼✨

Sa dami ng food choices dito sa Dubai, Pinoy pa rin ang hanap. Iba kasi ang lasa ng bahay. 😋
27/10/2025

Sa dami ng food choices dito sa Dubai, Pinoy pa rin ang hanap. Iba kasi ang lasa ng bahay. 😋

Ganito nila kamahal ang larong Football dito sa Gitnang Silangan. Habang nagkakape at nag shi sh**ha gusto nila manuod n...
26/10/2025

Ganito nila kamahal ang larong Football dito sa Gitnang Silangan. Habang nagkakape at nag shi sh**ha gusto nila manuod ng laro.

Address

Dubai

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Middle East Kabayan TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Middle East Kabayan TV:

Share