15/09/2026
May mga araw pala talaga na kahit ayaw mong sumuko… gusto mo lang munang mawala saglit.
Hindi dahil ayaw mo na. Hindi dahil nagsisisi ka sa mga pinili mo.
Pagod ka lang talaga.
Yung tipong gusto mo munang umupo, tumahimik, walang kausap, walang iniisip na trabaho, problema, deadline, bayarin, responsibilidad o kung ano na naman ang kailangan mong ayusin bukas.
Lately, napapaisip ako…
“Lord, ito ba talaga yung buhay na ipinagdasal ko?”
Tapos bigla kong na-realise…
Oo……….
Ito nga.
Dati, ipinagdarasal ko lang magkaroon ng opportunity.
Ipinagdarasal ko lang na sana magkaroon ako ng magandang trabaho, magkaroon ng sariling business, makatulong sa ibang tao at mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya ko.
Dati, pangarap ko lang magkaroon ng mga taong nagtitiwala sa akin. Ngayon, may mga taong umaasa sa akin.
Dati, naghahanap ako ng opportunity. Ngayon, responsibility ko nang gumawa ng opportunity hindi lang para sa sarili ko, kundi pati para sa ibang tao.
Dati, gusto ko lang umangat. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit mabigat pala minsan kapag umaangat ka.
Kasi habang lumalaki yung blessing, lumalaki rin yung responsibility.
At hindi ko ikakaila………Napapagod ako.
May mga araw na ubos talaga. May mga araw na physically nandiyan ka, nagtatrabaho, nakangiti, nakikipag-usap, pero sa loob mo gusto mo lang sabihin,
“Pwede bang pahinga muna?”
At siguro kailangan ko ring matutunan na hindi kahinaan ang magpahinga.
Hindi ko kailangang maging matibay 24/7. Hindi ko kailangang patunayan araw-araw na kaya ko lahat.
Minsan kailangan lang talagang huminto sandali.
Huminga. Matulog. Magdasal.
At alalahanin kung bakit mo ginagawa lahat ng ito.
Because sometimes we become so focused on how far we still have to go that we forget how far we’ve already come.
Yung mga problema na kinakaharap ko ngayon?
Marami sa mga ’yan, wala ako noon, kasi wala rin sa akin noon yung mga bagay na meron ako ngayon.
And that changed my perspective.
Hindi ko kailangang mahalin bawat mahirap na araw. Hindi ko kailangang magkunwari na okay ako palagi.
Pwede akong mapagod. Pwede akong huminto saglit. Pwede akong magpahinga nang walang guilt.
Pero isang bagay ang alam ko………
Hindi ako susuko dahil lang napagod ako.
Masyado nang malayo ang nilakbay ko. Masyado nang maraming sakripisyo. Masyado nang maraming beses na bumangon tayo nung akala natin hindi na natin kaya.
At higit sa lahat……….
May mga taong dahilan kung bakit kailangan pa rin nating bumangon bukas.
So ngayong gabi, pahinga muna.
Bukas, laban ulit. Hindi dahil madali. Hindi dahil hindi tayo pagod.
Kundi dahil alam natin kung bakit tayo nagsimula.
Minsan ang kailangan mo hindi bagong pangarap.
Kailangan mo lang maalala na yung buhay na nagpapagod sa’yo ngayon… baka ito rin yung buhay na minsan mong niluhod at ipinagdasal.
Pagod lang ako. Pero hindi pa ako tapos.
Pahinga muna. Tapos laban ulit.