28/10/2025
https://www.facebook.com/share/p/16FhXMxrE4/?mibextid=wwXIfr
SEN. ERWIN TULFO POSIBLENG MATANGGAL SA SENADO
Kumpirmado na may nakabinbing Petition for Quo Warranto laban kay Senador Erwin Tulfo sa Senate Electoral Tribunal (SET), na inihain noong Hulyo 15, 2025 ni Berteni Cataluna Causing, dahil sa umano’y kawalan ng kwalipikasyon bunga ng isyu sa kanyang citizenship.
Ayon sa dokumento ng SET, tinanggap at na-docket na ang petisyon at kasalukuyang dinidinig ng Tribunal, habang isinasagawa ng Secretariat ang mga kinakailangang preliminary actions alinsunod sa mga itinatakdang patakaran ng Tribunal.
(“On July 15, 2025, the Tribunal received and docketed a Petition for Quo Warranto filed by Berteni Cataluna Causing against Senator Erwin T. Tulfo, primarily on the ground of alleged ineligibility due to citizenship.”)
Ang Quo Warranto ay isang legal na hakbang upang kuwestiyunin ang karapatan o awtoridad ng isang opisyal ng gobyerno na humawak ng posisyon.
Sa kasong ito, layon ng petisyon na alamin kung may bisa o hindi ang pagiging senador ni Tulfo kung mapatunayang may problema sa kanyang pagiging mamamayan ng Pilipinas.
Kapag pinaboran ng SET ang petisyon at mapatunayang hindi kwalipikado si Tulfo dahil sa isyu ng citizenship, maaari siyang matanggal sa puwesto.
Matatandaang noong 2022, hindi rin nakalusot si Tulfo sa Commission on Appointments bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa mga isyung may kaugnayan sa kanyang American citizenship at libel conviction. Kamakailan lamang, kumalat din ang mga dokumentong umano’y mula sa U.S. Embassy, na nagsasabing ginamit niya ang pangalang “Erich Sylvester Tulfo” upang makakuha ng U.S. passport, na kalaunan ay binawi ng U.S. State Department dahil umano sa "fraud".