19/07/2025
Why cheat on a relationship ?
People cheat for different reasons, pero kung lalagumin natin, it usually boils down to emotional immaturity, selfishness, and lack of communication.
Minsan, they cheat because they feel kulang. Not necessarily sa partner nila, but kulang sila sa sarili nila — validation, ego boost, excitement. Gusto nila maramdaman ulit yung “spark,” yung thrill ng something new. Pero instead of addressing the issue head-on or working on the relationship, they look for a shortcut. Escape.
Others cheat kasi hindi nila kayang harapin ang discomfort ng honesty. Mas madali pa sa kanila makipaglandian sa iba kaysa makipag-usap ng diretsahan. Weakness disguised as charm.
Tapos meron din yung entitlement — they think they deserve more, kahit di na sila nagbibigay ng effort sa current relationship. Gusto nila ng loyalty, pero ayaw nila ng commitment.
And let’s be real — cheating is rarely about s*x lang. Most of the time, it’s about emotional disconnection — either they’re not getting it, or they don’t know how to give it.
Lastly, some people cheat just because they can. Walang accountability. Walang respeto — either sa partner nila o sa sarili nila.
So ayun. Hindi siya laging black and white, pero cheating is always a choice. Kahit anong issue sa relationship, may ibang paraan para ayusin ’yun. Cheating is just the coward’s route.
Kung hindi na masaya, then leave. Don’t break someone just because you’re broken.