27/02/2024
๐ Tuwing makakaramdam ka ng galit, p**t, inis, selos, inaatake ni satanas ang utak mo. Gusto nyang magkasala ka ng sobra hanggang sa magkasala ka ng karumal dumal dahil gusto ka nya isama sa impyerno. Gusto nyang sirain ang creation ni God dahil sa pagmamataas at inggit.
๐ป-Kailangang pigilan ang pagiging mainitin ang ulo at pagiging negatibo kung sakali na may mga bagay na nakakasakit sa ating personal na pakinabang, tandaan na huwag gumanti.
โ๏ธPaano magpigil?
-kapag sinaktan tayo at nais nating saktan ang iba para pakitunguhan sya, mas lalo tayong makakaramdam ng pagkabigo at galit at mas mararamdaman nating inaapi nya tayo.
- Ang asal na ito ay pagpapahayag ng mainit na dugo, kailangan nating manalangin nang matahimik sa Diyos
- Hindi gusto ng Diyos na tayo ay nagmumura, kailangan kontrolin ang ating emosyon.
โ
Kung hindi mo mapigilan ang iyong emosyon, huwag buksan ang iyong bibig, isipin ang mga Salita ng Diyos na huwag makipag-away at wag magmura, piliin natin na magtiis at sumuko at hayaan ang ibang tao na lutasin ito at manalangin sa Diyos ng tahimik, bigkasin ang ilang nauugnay na Salita ng Diyos.
Emotion is satan's Trick โผ๏ธ
๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ ๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ,
๐๏ธ๐โDapat mong isantabi ang iyong mga emosyon sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos nang ayon sa emosyon, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran.โ
๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ ๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ,
๐๏ธ๐โBakit hirap na hirap ang mga tao na ihiwalay ang kanilang sarili sa kanilang damdamin? Higit pa ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensya ang kalooban ng Diyos? Matutulungan ba ng damdamin na malagpasan ng mga tao ang kahirapan? Sa mga mata ng Diyos, ang damdamin ay Kanyang kaawayโhindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?โ
๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ ๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ,
๐๏ธ๐โHindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na maglabas ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutuhan Kong kamuhian nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging โibaโ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang โkonsensyaโ; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay.โ
mula sa โAng Salita ay Nagpapakita sa Katawang-taoโ