09/20/2025
Bumungisngis kaming dalawa.
“Len, I hope you know you’re one of my most favorite people in the world. Kung wala ka, hindi magiging masaya ang pagdadalaga ko.
You were barely twenty one when you arrived here. Kung hindi lang nila alam na mas matanda ka ng dalawang taon sa akin ay iisipin
talaga nila na kambal tayong dalawa.”
“Hindi lang ’yon, hindi ba at may mar—”
“Sssh! Baka may makarinig sa ’yo, sige, ikaw rin titingnan nila iyan.”
“Oo na. Basta talasan mo ang pakiramdam mo, ha?”
“Paulit-ulit?”
Inirapan niya ako. “Nagpapaalala lang. Ate mo ako.”
“Yes, po.”
“Ano ang pangalan ng magulang ko at mga kapatid?”
“Si Mila at Tino, bunso mo si Junjun at Maya.”
“Sino ang long time crush ko?”
“Artista ba o ’yong tunay na tao?”
Napanganga ito sa akin. “Parehong tao ’yon, ano ka ba?”
“Joooke! Grabe naman, ang seryoso mo kasi. Siyempre crush
na crush mo si James Reid tapos iyong medyo kaluluwa, eh, si Aaron Syjuco,” tatawa-tawa kong sabi sa kaniya.
Kaya heto siya, nanlilisik ang mata sa akin. “Kaluluwa talaga?”
“Eh, hindi ba at sabi mo, noong high school kayo—
nilalampasan ka lang niya? Kaluluwa. Ghost. Teka, mahal mo ba iyon? Baka hindi lang crush iyan ha! Uy! Sumisinta na si Ate Len.”
“Gaga! Crush lang kasi sobrang pogi niya. At isa pa, hindi lang siya campus crush, as in crush ng buong bayan iyon!”
Napailing ako. “Sus! Wala nang gagandang lalaki pa kay Jacob Elordi.”
“Hindi ka naman kilala ni Jacob, eh. Isa pa, si Leopoldo ang nakatakda, hindi ba?”
Umasim ang mukha ko. “Huwag mo nang ipaalala.”
“In fairness, ano na kayang hitsura ni Aaron ngayon. Kamukha iyon ng crush mo, eh, pero payatot pa siya noon at may brace. Alon-alon din ang buhok niya na hindi purong itim. Kapag may pagkakataon ka, kuhanan mo siya ng picture tapos i-send mo sa akin.”