12/07/2025
Sa lamig ng Pasko… anong bagay ang gusto mong yakapin⁉️
Kumot? Unan? Yung mug ng kape na mas mainit pa sa love life mo? O baka yakap mo na lang ang sarili mo kasi mas consistent ka pa kaysa lahat ng taong ‘magpaparamdam daw’ this December?
Filipino life is basically a comedy–drama malamig ang panahon, malamig ang bulsa, at minsan malamig pati attitude natin sa mundo. Pero kahit gaano ka man kalamig sa sarili mo, stay hot sa mga pangarap mo. Kasi kahit nagdi-disappear ang sahod, kahit delayed ang sweldo, at kahit ang tanging ‘spark’ na meron ka ngayong holiday season ay galing sa short circuit ng Christmas lights your goals don’t freeze. Keep going. Keep grinding. One day, ikaw na ang magiging dahilan kung bakit umiinit ang Pasko mo and maybe even someone else’s.