10/11/2025
May kakilala ka bang kakaibiganin ka para sirain ang mga nabuo mong friendship sa ibang tao?
Sa una, Mabait ang entrada, minsan humble pa nga kuno. Laging nakangiti, laging handang makinig. Para bang sila ang kakampi mo sa lahat ng bagay. Mag-aalok ng payo, ng balikat na masasandalan, at magpaparamdam na hindi ka tataramtaduhin. Kuhang-kuha na agad ang tiwala mo.
Pero habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang tunay na kulay. May mga bulong silang isinisiksik sa tenga mo.
Mahirap kaaway ‘yan, sisiraan ka.
“Alam mo ba, inggit ‘yan sakin, kaya pag may sinabi ‘yan tungkol sakin… alam mo na.”
At doon nagsisimula ang bitak. Ang mga matatag na samahan, nagiging marupok. Ang mga kaibigang dati mong maaasahan, unti-unting napupuno ng duda at tampuhan. Hindi dahil may tunay na kasalanan, kundi dahil may lason na idinulot ng dila ng ahas.
Habang nagkakawatak-watak ang iba, siya naman ang pumapagitna. Kunwari tagapamagitan, kunwari tagapagtanggol. Ngunit sa totoo, Magaling syang magpa-ikot at magmanipula ng tao. Isa-isa niyang kinukuha ang tiwala ng lahat. Unti-unti niyang hinihila ang mga sikreto ng bawat isa. At kapag buo na ang hawak niya, Saka iya isisiwalat isa-isa. Ilalaglag ka niya. At bandang huli, siya pa ang magpapaka-biktima, sasabihin: “Ako kasi ang pinagtutulungan, ako kasi ang hindi nila maintindihan.”
Walang sinasanto ang mga ganitong klase ng tao. Basta may makilala at makasama, sisiraan. Basta may makuhang pakinabang, gagamitin. Basta may makitang butas, lalakihan ang butas.
Ngunit tandaan natin: hindi nagtatagal ang kasinungalingan. Hindi habangbuhay na nakakapanlinlang ang ahas. Dahil sa huli, nahuhubaran din ng maskara. Ang iniwang tiwala? Para lamang salamin, kapag nabasag, hindi na muling maibabalik gaya ng dati.
Aral: Hindi lahat ng nakangiti ay tunay. Hindi lahat ng nakikinig ay totoo. At hindi lahat ng gustong maging bida, mabuti ang intensyon. Kaya’t mag-ingat kayo palagi sa taong pipiliin nyong pagkatiwalaan, at ang iyong kakaibiganin. Dahil ang taong tunay na kaibigan, hindi sisira, hindi gagamit, at lalong hindi magtatanim ng lason.
👍 Like & Follow my page for more stories na makakarelate ka.
💌 At kung gusto mong i-share ang sarili mong karanasan at ma-feature sa page, huwag kang mahihiya, ikwento mo. Baka ang experience mo, makatulong at maging aral din sa iba.