03/11/2026
PENNY
Malagkit na, maalinsangan pa.
Malayong-malayo ang hangin sa Maynila kumpara sa Laguna. Kung gaano kapresko sa kinalakihan ko ay kabaligtaran naman dito. Pero, tiis-tiis na lang.
Pangatlong araw ko na ngayon at paubos na rin ang dala kong pera.
Saan ba naman aabot ang Dalawang Libong Piso? Umuupa lang ako ng
isang kwarto at apat pa kaming magkakasama sa loob. Dalawang double
deck at Two Hundred Fifty Pesos ang bayad sa isang linggo. Banyo at
tulugan lang 'yon; hindi pa kasama ang pagkain. Masuwerte lang ako dahil
mababait ang mga kasama ko sa kwarto; ang dalawa sa kanila ay mga
nurse, at ang isa naman ay sa call center nagtatrabaho.
Hindi naman ako pwedeng mag-apply sa pinapasukan nila dahil bukod
sa hindi ako nakatapos ng pag-aaral ay wala ring bakante. Ang hirap pala
rito sa Maynila dahil napakahigpit ng kompetisyon.
"Anong pangalan mo, Miss?" tanong sa akin ng lalaki. Kanina ko pa siya
nakikitang malagkit tumingin, pero hindi ko binibigyan masyado ng
pansin. Nandito ako ngayon sa agency at nag-aapply bilang kasambahay.
Ito na ang pinakamadaling trabaho na naiisip ko kahit patay-katawan.
Ganoon din naman sa bahay ng pamilya ni Kuya kung saan sa akin lahat
inaatang ang trabaho. At least dito, may sahod.
"Penelope Real." Sinagot ko siya kahit alam naman niya ang sagot sa
kanyang tanong. Para saan pa ang pinasa ko na biodata kung pangalan ko
lang ay hindi niya pa alam?
"You're already twenty-two, pero hindi ka pa nakakatapos ng pag-aaral.
Why is that?"
Obvious ba? Pero hindi ko masabi 'yon dahil kailangan kong maging
mabait sa kanya para makuha ang trabaho.
"Dahil sa kakulangan po ng pera. Namatay na po kasi ang aking ina at
may pamilya na ang kapatid ko kaya kailangan ko munang magtrabaho
para makaipon ng pang-tuition."
"Alam mo, Penelope...” panimula niya sa akin. Isinantabi niya ang
biodata ko at sumandal sa swivel chair habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha. "Hindi namin tinatanggap kapag dalawang
taon lang ang natapos sa kolehiyo."
Saan ka naman nakakita ng housekeeper sa Pilipinas na degree holder?
Unless nag-disguise siguro o wala talagang makitang trabaho at
desperadong makakuha ng pagkakakitaan.
"Alam kong iniisip mo na masyadong mataas ang standard namin.
Hindi kasi basta-basta lang ang mga kliyente namin. Isa pa, dapat magaling magsalita ng English, at kahit paano ay may alam sa pakikipag- usap, bukod pa sa paglilinis at pagluluto. Pero, huwag kang mag-alala;
magagawan naman ng paraan ang kaso mo. Pwede kong dagdagan ng isang
taon pa ang natapos mo, but in one condition..."
Kumunot ang aking noo. Hindi ko gusto ang daloy ng mga sinasabi niya
sa akin.
"Spend the night with me and—"
Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo, at saka tumakbo palabas ng
opisina niya. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao sa
lobby, but I am not staying there a minute more. He is young, at may itsura
naman. Pero bakit hayok siya sa laman at gusto pang samantalahin ang
kahinaan ng tao? Anong akala niya? Por que ganito lang ako na hindi
nakatapos at naghahanap ng trabaho bilang maid ay bibigay na sa kanya?
Tarantado.
Sa katatakbo ko ay hindi ko na namalayan kung saan ako napadpad.
Basta matao pa rin at puno ng sasakyan ang parking lot. Nang tumingala
ako ay nasa Lime Ridge Shopping Mall pala ako. Kahit pawisan ay nagtuloy ako sa loob at naglakad-lakad. Wala akong bibilhin at
magpapalamig lang.
Bigla akong natakam nang matanaw ang isang stand ng buko shake.
Ganoon pa man, nadismaya ako dahil Dalawang Daang Piso na lang ang
laman ng wallet ko. Kung gusto kong kumain mamaya, hindi ako dapat bumili ng shake. Ilang order ko na rin 'yon sa karinderya. Ang mahal
naman kasi ng pamasahe kapag pauli-uli sa paghahanap ng trabaho. Kahit
marami na akong nilakad, kailangan pa ring sumakay ng jeep at minsan ay tricycle.
Makalipas ang isang oras, bumili na lang ako ng tubig at lumabas sa mall upang lumanghap ng hangin. Pasalampak akong naupo sa gutter.
Iinom na sana ako ng tubig nang mamataan ko ang isang matandang babae. Masaya itong naglalakad patawid sa makitid na kalsada papunta sa parking lot sa tapat. Siguro ay naroon ang kotse nito.
Ang hindi niya alam, maaari siyang mabangga ng paparating na kotse
dahil napakatulin nito. Dahil dito’y maliksi akong tumayo, tinakbo ang
kinaroroonan niya, at hinigit siya sa damit. Bumagsak kaming dalawa sa
semento at dahil ako ang na-out of balance ay sa ibabaw ko siya natumba.
Mas mabuti na rin 'yon dahil kung hindi ay baka nabali pa ang mga buto
niya.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya. Nagkalat sa gilid ang ilang
shopping bags niya. Marahil ay sanhi ng pagkagulat kaya niya nabitiwan
ang mga iyon. At ang tubig ko? Rest in peace na dahil natapon ito nang
hatakin ko siya kanina. Bibili na lang ako ulit mamaya. Kahit
nakakapanghinayang, masaya naman ako dahil nailigtas ko ang matanda
sa kapahamakan.
"M-maayos ako. Just a little frightened, but I am fine. Are you okay?"
Medyo mahapdi ang siko ko at doon ko napansin na nagasgasan pala ako.
Ngayon nga’y dumurugo ito. Gayunman, galos lang naman at malayo sa
bituka.
"May sugat ka!" Halata ang panic sa mukha ng matanda kaya pilit ko
siyang pinakalma.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po iyan at malayo sa bituka. Kapag
nahugasan ko 'yan at nalagyan ng band aid ay okay na po." Pinulot ko ang
mga shopping bags niya saka ibinigay sa kanya. "Saan po ba ang kotse n'yo
at ipagdadala ko na kayo nitong pinamili n'yo?"
"Iyong itim na kotse sa harap na may triple four. Kumain ka na ba?
Magmeryenda muna tayo para makabawi naman ako sa iyo. Ako nga pala
si Mrs. Farin. Teka, ano ba ang pangalan mo?" tanong niya sa akin habang
naglalakad kami. Ako na ang nagbitbit ng bags habang inaalalayan ko siya
sa braso.
"Penelope Real po ang pangalan ko. Penny na lang po ang itawag n'yo
sa akin."
"It's nice to meet you, Penny." Binuksan niya ang trunk at doon ko
inilagay ang mga bag. "Sumakay ka na sa kotse at magmeryenda tayo sa
bahay. Ihahatid na lang kita pauwi sa inyo," alok niya.
"Naku, huwag na po. Nakakahiya naman. Natutuwa po akong makita
na maayos kayo. Natakot din ako kanina nang makita ko ang kotse. Kay
bilis kasi ng patakbo ay alam naman niyang tawiran."
Ikinumpas niya ang kanyang kamay. "I don't take no for an answer, Penny. Nag-bake ako ng cassava cake kanina. Tikman natin."
"Ang sarap po sana. Pero maghahanap pa ako ng trabaho kaya
kailangan ko na pong magpaalam."
"Trabaho ba kamo? Anong trabaho?" Hindi siya matuloy-tuloy sa
pagpasok sa kotse.
"Nag-apply po kasi akong housekeeper sa agency d'yan sa kabilang
kanto. Kaso, hindi raw ako qualified dahil at least three years daw dapat ang natapos sa kolehiyo. Second year lang po kasi ang natapos ko. Nag-iipon pa ako ng pang-enrol."
"Kung ganoon ay sumama ka na sa akin. Ako ang magbibigay sa 'yo ng
trabaho at may oportunidad ka rin na mag-aral. May foundation kami ng
asawa ko para sa mga gustong makapagtapos ng pag-aaral. I think it's fate
that brought us together, hija."
Sa narinig ko na job offer, kahit pa yata magkano lang ang sahod ay
tatanggapin ko, kung may opportunity akong maituloy ang pag-aaral ko.
Minsan talaga, blessing in disguise 'yong mga gusto natin na hindi natin
makuha. Imagine, kung natanggap ako sa bwisit na agency na 'yon at later
on, magsasamantala 'yong may-ari? Ang isipin pa lang iyon ay nanginginig
na ang kalamnan ko sa takot, galit, at pandidiri. Bakit kaya may mga
taong hindi marunong rumespeto ng kapwa? Mababa o mataas sa iyo,
dapat pantay ang pagtrato. Pero ano pa ba ang aasahan ko sa Pilipinas? Sa
bansang ito, kapag wala kang pera, wala kang karapatan na mag-demand
ng kahit ano.
After thirty minutes ay narating din namin ang village kung saan
naroon ang bahay niya. Ang mga bahay sa loob ay malalaki at malalayo
ang agwat. Nagtataka lang ako na wala siyang sariling driver dahil
mukhang mayaman naman siya. Aba, kahit gawin niya akong driver—
bukod sa kasambahay—ay pwede naman.
Tinuruan kasi ako ni Tatay Lito na magmaneho. Ama siya ng bestfriend
kong si Lorena. Ang sabi niya ay dapat matuto kaming magmaneho kahit
babae kami para hindi laging nakaasa sa lalaki. Kahit may kalumaan na
ang kotse nila ay gumagana pa rin naman kaya natuto rin ako. Manual pa,
kaya medyo mahirap itimpla ang clutch at silinyador.
That reminds me, kailangan ko nga palang i-text si Lorena at sabihin na nakahanap na ako ng trabaho. Panay kasi ang text niya sa akin at nag-aalala dahil mag-isa lang ako. Sa Laguna siya nagtatrabaho at nakatapos na ng nursing. Wala pang anim na buwan sa trabaho ay nabuntis ng boyfriend niya. Mabilis silang nagpakasal sa huwes at isa ako sa saksi sa
kanilang pag-iisang dibdib. Nagpabaon pa siya sa akin ng Five Hundred
Pesos at sinabing kung anuman ang mangyari ay tumawag ako sa kanya para magawan niya ng paraan.
Minsan talaga, mas mabuti pa ang ibang tao kaysa kapamilya.
"We are here," sabi ni Mrs. Farin. Pumasok kami sa isang malaking
bahay na puti at may mga puno ng niyog sa magkabilang helera ng driveway.
Ang higanteng gate ay automatic na sumara pagkapasok namin. Nang
tumigil ang kotse ay saka ko binuksan ang pinto nito. Natulala ako habang
pinagmamasdan ang kapaligiran dahil sa labas pa lang ay magarbo na.
Ang mga damo ay bagong tabas at ang mga orchid at iba pang uri ng bulaklak ay maayos na nakahanay sa garden. Ang patio furniture ay
mukhang pang-tuition fee ko na nang isang taon kung itsura nito ang
pagbabasehan. May fountain at swimming pool pa! Napakaganda naman ng bahay ni Mrs. Farin.
"Let's go inside and have some snack, Penny," aya niya sa akin.
Mukhang mabait si Mrs. Farin at walang arte sa katawan. Ang tanging
suot niya ay pearl earrings at ang wedding ring niya. Ni wala siyang suot
na engagement ring o kahit anong flashy na alahas. Kahit kwintas ay wala.
Ganito raw ang tunay na mayaman. Hindi pasikat at halos hindi mo
makita ang tatak ng gamit; pero alam mong de-kalidad at mahal ang
pagkakabili.
Ang malaking double doors na kulay kape ay nakabukas at may
sumalubong sa amin na dalawang kasambahay. Kasunod nito ay ang
matandang lalake.
"Darling, where have you been? Hindi mo na naman isinama si Danilo.
Kaya ko nga siya inempleyo ay para mag-drive sa iyo," nag-aalalang sabi
ng matandang lalaki. Halos magkaedad sila ni Mrs. Farin kaya ang tingin
ko ay ito ang asawa niya. Plus darling ang tawagan nila.
Humalik si Mrs. Farin sa pisngi nito habang natatawa. "I'm not disabled, Franco. I can still drive myself to the mall or wherever I want to go. Kailangan ko lang ng driver kung malayo ang pupuntahan ko, pero
kung d'yan lang naman at ilang kanto ang layo, I can manage. Ikaw lang
itong kung mag-alala ay sobra." Yumakap si Mrs. Farin at automatic na umikot ang mga braso ng matandang lalake sa baywang niya. Humalik ito sa tuktok ng ulo ng asawa.
"Fine. Point taken, pero mas mabuti na ang nag-iingat." Nang mamataan niya ako ay nagtanong ng, "Did you bring a new friend?"
"Oh, yes. Franco, this is Penelope Real. She likes to be called Penny.
Nagkakilala kami sa mall kanina dahil hindi ko napansin ang isang mabilis na kotse. If it wasn't for her, I'd be in the hospital by now."
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa asawa.
"I'm fine. Pero may sugat siya. Nang matumba kami ay sa kanya ako
napabagsak." Tinawag niya ang atensyon ng isang kasambahay. "Margie, can you get the first aid kit and bring it here? Lilinisin ko ang sugat ni Penny."
Kaagad na tumalima ang inutusan niya.
"Let's have a seat. Berna, can you get the cassava cake and bring some
cold water too. Make sure you don't forget the plates and fork. Salamat,"
sabi ni Mrs. Farin sa kanya.
Naupo kami sa salas at nasa katapat ko sila nang mag-umpisa silang
magtanong.
"Ilang taon ka na, hija?" tanong ni Sir Franco.
"Twenty-two po, Sir."
"At saang probinsya ka galing? Mukhang hindi ka taga-Maynila,"
komento niya.
Medyo nag-hesitate ako na sabihin dahil tumakas lang ako sa amin. "S-
sa Laguna po." Sa huli ay pinili kong magsabi ng totoo.
"Ah, nakapunta na kami roon noong kabataan namin. Naligo kami sa falls."
"Franco, I offered her a job to be my personal assistant. She will be an
all around helper here, at bilang gantimpala sa pagligtas niya ng buhay ko
ay gusto ko siyang pag-aralin."
"Of course! The foundation will take care of that and I will also talk to
the dean at the University, para makahabol siya sa enrolment. Alam kong
nagsimula na ang klase two weeks ago but I have no doubt that she will be
able to catch up. Anong kurso mo, hija?"
"Business Management po. Kaya lang po ay wala akong dalang transcript dahil mabilisan po ang pag-alis ko sa bahay."
Ikinumpas ni Sir Franco ang kamay niya. "Don't worry about it. I have people to take care of that. Sila na ang bahalang kumuha ng transcript sa dati mong eskwelahan. May unibersidad ka bang napupusuan? You can go
to any school you want. Hindi problema ang matrikula."
"Kahit po saan ay okay lang. Ang mahalaga po para sa akin ay
makatapos ng pag-aaral."
"Bweno, mas maganda kung sa International School ka na pumasok
para kung balak mong magtrabaho sa ibang bansa ay patas ang oportunidad. Pinsan ko ang Dean ng School of Business doon at isa ako sa Board of Directors. There shouldn't be a problem with your studies."
Para akong nasusuka sa nangyayaring pagbabago sa buhay ko.
Panaginip lang ba 'to o totoo? Kinurot ko ang braso ko nang pasimple at napaigik ako. Totoo nga.
Mama Flor na raw ang itawag ko sa kanya. Napag-alaman ko na isa
lang ang anak nila ni Sir Franco at namatay ito sa isang car accident.
Kasama niya sa kotse ang kanyang asawa pero nabuhay ito at nakapag-
asawang muli after a few years. Kasalukuyan akong nakatingin sa mga litrato sa sala nang dumating si Mama Flor.
"Ang gwapo ng mga apo ko, ano?" nakangiting wika n'ya sa akin. "This is Caeden and this is Clay — he is the oldest."
Magkahawig ang magkapatid pero higit ang karisma ng lalaki na ang
pangalan ay Clay. Kahit mukhang suplado at kay mahal ng ngiti ay parang
ang sarap niyang yakapin.
"Ito si Farrah, ang anak ko. Siya ang ina ng dalawang pogi na 'yan."
Napabuntong-hininga siya. "I miss her a lot, but I know if she survived, ang
sabi ng mga doktor ay magiging gulay siya at hindi 'yon ang gusto ng anak
ko. She doesn't want to spend the rest of her days like that. Kaya kahit
masakit, ipinagpasa-Diyos ko ang lahat, and the next day, God took her
home." Pumatak ang mga luha niya pero mabilis itong pinahid. "Pasensya
ka na. It's been awhile since I've talked to someone about my daughter.
She's a lot like you, alam mo ba?"
"Po?"
"Kahit saglit pa lang kita nakikilala, nakikita ko ang anak ko sa 'yo.
She's fast, strong, smart at hindi s'ya mapili sa trabaho. When she was
younger, Farrah worked at a fast food restaurant para makaipon ng sarili
niyang pera. We may have a lot of money pero ma-pride ang batang 'yon.
Ayaw n'ya ng hinihingi lang at hindi pinaghirapan."
Marami pa siyang kwento tungkol sa anak niya at para bang buhay na
buhay si Miss Farrah. Nakakalungkot lang na kay bata pa pala niya noong
nasawi. She was only forty years old at teenager pa lang ang mga anak na
naiwan.
"Kung ready ka na ay kunin na natin ang gamit mo sa boarding house.
Naipalinis ko na ang magiging kwarto mo."
Mukhang mas excited pa sa akin si Mama Flor kaya inaya ko na siya.
"Sige po, tayo na para hindi tayo gabihin."
This time, nagpa-drive kami kay Mang Danny, ang driver ni Mama
Flor. Tahimik kaming nagbyahe at dahil uwian na ng mga estudyante ay
medyo ma-traffic. Nang makarating kami sa tinutuluyan ko ay maayos
akong nagpaalam sa kasera. Ibinabalik pa niya ang sobra kong bayad pero
sinabi kong sa kanya na lang bilang pasasalamat. Kahit kaunting halaga
lang 'yon ay malaking tulong na rin sa gastusin araw-araw.
Sabi kasi nina Sir Franco ay wala akong gagastusin sa pag-aaral at
dahil sa mansyon ako nakatira ay libre na ang tirahan at pagkain. Ang
gagastusan ko lang ay ang personal kong pangangailangan. Kahit 'yong
mga kailangan sa school ay provided na nila.
"Iyan lang ba ang dala mo?"
"Opo. Kaunti lang po talaga ang dala kong gamit dahil mahirap
magbiyahe kapag maraming bitbit," sagot ko sa kanya. Sinenyasan n'ya si
Mang Danny na ilagay ang bag ko sa trunk ng kotse.
"Huwag kang mag-alala. Mamimili tayo ng mga gamit mo. Nasabi ko ba
sa 'yo na sa amin ang Lime Ridge Mall?"
Napanganga ako sa tinuran n'ya. Sa kanila pala ang mall na 'yon?
"Ilan lang 'yon sa businesses namin. Ang totoong nagpalago ng company
ay si Clay. Business-minded talaga ang isang 'yon at walang negosyo na
nalugi. He keeps on trying new ventures pero ang baby n'ya ay ang TGM."
"True Global Media? Iyon pong station?" Akalain mo 'yon, sa kanila rin
ang TV station. Nakakalula!
Sumakay na kami ng kotse at itinuloy ang kwentuhan sa byahe. Napag-
alaman ko na laging wala sa bansa si Clay at ang kapatid nitong si Caeden
ay sa California namamalagi. Kung gaano raw kaseryoso sa business at
pati na rin sa buhay si Clay ay ganoon naman ka-happy go lucky ang
kapatid nito. Matanda lang daw sa akin ng dalawang taon si Caeden at
kahit matalino ay puro surfing ang inaatupag.
"I love my grandsons at kahit nakafocus sa surfing si Caeden, he is good
with stocks. He made his first million at the age of eighteen. Siguradong
makakasundo mo sila."
Nang matapos mapag-usapan ang mga apo niya ay tinanong ko si
Mama Flor kung bakit kailangan niya ng caregiver. Mukha namang mas
malakas pa s'ya kay Aling Tinay na kapitbahay namin sa Laguna.
Nagtitinda 'yon ng kakanin kahit nirarayuma na.
"My heart is weak. At kahit may gamot ay may mga oras na mahina ang
katawan ko. Tumatanda na rin kasi ako. But I still like to do my own thing,
at kapag gusto ko ay hindi ako pinipigilan ni Franco. Simple lang ang
magiging trabaho mo, Penny. You will make sure I take my meds on time. I
have my meds delivered by the pharmacy and it is sorted for each day as
well as time. Help out as much as you can in the house. I don't want you to
treat as a job as much as possible. Gusto kong maging at home ka sa bahay
at hindi 'yon ituring na iba. Naniniwala ako na hindi tayo paglalapitin ng
pagkakataon kanina kung hindi natin kailangan ang isa't isa. Maybe it's
time to give you the break you deserve, at para sa akin naman, it's time to
meet new people that will be significant in my life... or to my other family
members. I have no doubt that you will bring us joy."
Ganoon na lang ang pagkatulala ko nang hindi ako sa mga kwarto sa
ibaba pinatigil ni Mama Flor. Sa dami raw kasi ng guest rooms ay ako na
lang ang gumamit para magkasilbi naman ito. The room is in neutral colors
at modern ang design. There's a queen bed in the middle, a study table on
the side. May TV rin at sariling banyo. Naisip ko tuloy na baka kainggitan
ako ng mga kasama ko sa bahay dahil may special treatment ako.
Ang sabi ni Mama Flor kanina ay personal assistant n'ya ako, tapos
daw ang usapan at ang magreklamo ay sa kanya magpapaliwanag. She
may looked harmless pero katulad ng ibang tao, ang mga mababait ay
masamang magalit. I think she's like that.
Nag-ha-hanger ako ng damit nang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at isang ulo ang sumungaw. "My grandson is coming tomorrow. I'm so
excited!”
Alin kaya sa mga apo niya? Sana si Clay.
Sobrang excited ni Mama Flor at kaagad na pinalinis ang mansyon para
sa pagdating ng kanyang apo. Si Margie ang nakatoka sa taas at si Berna
sa baba. Ako naman ay naglinis ng mga banyo. Bukod sa aming tatlo ay
may dalawang kusinera. Mababait ang mga kasama ko sa bahay pero ang
mayordoma ay hindi ko pa nakikilala dahil nasa bakasyon. Ngayon ko lang
na-realize kung gaano kalaki ang bahay na ito. May sampung silid sa taas
kasama na ang master's bedroom at may dalawang guest room dito sa
ibaba. Bukod sa dalawang powder room ay labing dalawang banyo ang
nilinis ko. Pero ginawa ko 'yon nang masaya at may ngiti sa labi.
Late na nang makatapos kami sa paglilinis. Habang nagmemeryenda
sina Berna ay pumunta ako sa kusina.
"Penny, kain ka muna. Gumawa ng maja blanca si Madam para sa
atin."
Lumapit ako sa kanila dala ang water bottle. "Salamat. Mukhang
masarap, ah." Inabutan ako ng platito ni Margie at tinidor.
"Mahilig mag-bake si Madam kaya tingnan mo kaming lahat — bumilog
na. Dati ay kasing-sexy mo pa ako."
Napahagalpak ng tawa si Berna. "Hoy, Margie, anong kasing-sexy? Eh,
doble ka na n'ya noong nagkakilala tayo."
"Tsk! Huwag mo nga akong ibuko kay Penny. Pambihira ka naman!"
natatawang saway niya sa kaibigan.
Sa tingin ko ay magiging maganda ang pamumuhay ko rito. Para akong
nakakita ng isang bagong pamilya sa katauhan nila. Alam kong maaga pa
para sabihin iyon pero nararamdaman kong mas magiging maayos ako rito
kaysa sa Laguna.
Bago ako matulog ngayong gabi ay naalala ko ang sinabi ni Nanay Lourdes sa akin tungkol sa isang maliit na kahon. Dapat ay noong sumapit
ang eighteenth birthday ko 'yon bubuksan dahil pumanaw na si Nanay,
pero masyadong maraming nangyari sa buhay namin.
Sunod-sunod na trahedya at masyadong masakit ang lahat. Si Tatay ay
natamaan ng ligaw na bala sa bayan at ilang buwan lang ay pumanaw si
Nanay. Nagising na lang kami isang umaga na hindi na siya humihinga at
ang sabi ng doktor ay inatake raw ito.
Wala silang naiwan ni Tatay maliban sa isang maliit na bahay at lupa.
At nitong nakaraan ko lang nalaman na isinangla ito ni kuya noong natalo
siya sa sugal. At para mabawi 'yon, ibebenta niya ako sa may-ari ng casino.
Base sa usapan nila na narinig ko ay iilitin ang tinitirhan namin kung
hindi siya makakabayad ng dalawang milyon. Lumaki 'yon dahil nagkaroon
na ng interes at hindi basta-basta ang pinagkautangan niya — halang ang
mga kaluluwa at handang pumatay kapag hindi nabayaran.
Kaya natakot si kuya para sa dalawa niyang anak at asawa pero
napakadali para sa kanya na isuko ako. Ako na kapatid niya. Ganoon ba
ako kawalang halaga?
Bumangon ako at binuksan ang closet. Siguro ay panahon na para
buksan ko ang maliit na kahon. Four years later, pero mas mabuti na 'yon
kaysa naman sa hindi na ako mabigyan ng pagkakataon. Luma na ang
wooden box at may susi ito. Kinapa ko ang aking kwintas at kinuha mula
roon ang maliit na susi.
Tumambad sa akin ang isang litrato ng tatlong bata. Ang dalawang
kambal ay kalong ng mga magulang nito at sa gitna ang mas matandang
bata. Kakaunti lang ang larawan ko noong maliit pa ako pero alam kong
ako ito. May kakambal ako?
Kalakip ng litrato ay isang sulat:
Penelope,
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ang katotohanan, kaya
minabuti kong sa sulat na lang daanin ang lahat. Anuman ang mangyari sa
akin, palagay ang loob ko na hindi ka mahahanap ng mga masasamang tao na gusto kang gawan ng masama. Nailayo na kita sa kanila. Nailayo na
kita sa mga taong pumatay sa mama mo.
Hindi madali ang pinagdaanan nating dalawa para makauwi. Kung
hindi dahil sa tulong ng ilang kaibigan ay hindi tayo makakauwi ng
Pilipinas. Tatlong taong gulang ka pa lamang noong mangyari ang
malagim na gabi sa bahay n'yo sa New York. Nagpulasan kaming lahat at
kanya-kanyang dampot ng mga alaga nang barilin ng tiyuhin mo ang iyong
mama. Ang Ate Phyllis mo ay nagtatakbo palabas kasunod ng yaya n'ya,
ganoon din ang kakambal mo na si Pauline. Masyadong mabilis ang mga
pangyayari. Naghintay ako ng balita tungkol sa kanila pero wala.
Your real parents, Primrose and Declan, didn't make it. Nakita at
narinig ko sa balita ang pagkamatay nila nang gabing 'yon kaya nagpilit
akong mailigtas ka. I was given a choice to leave you behind. May social
services naman na pwedeng pag-iwanan sa iyo, pero hindi ko kaya.
Napakabait ng mga magulang mo sa akin, Penny. At alam kong
mapupunta sa wala ang pagkamatay nila kung pababayaan kita.
Sa loob nang limang taon kong paninilbihan sa New York ay may ilang
akong nakilalang mga tao na may mga connection. Nagawan nila ng
paraan na magkaroon ka ng passport at palabasin na anak kita. Pinili kong
huwag baguhin ang pangalan mo pero ang apelyido mo ay isinunod sa akin.
Patawarin mo ako kung matagal kong kinimkim ang lihim na ito sa pag-
aalalang umalis ka at hanapin ang katarungan para sa kanila. Natakot ako na sundan nila tayo at gawan ka nang masama pati na ang kuya at tatay mo.
Dalangin ko na sana ay palagi kang ingatan ng Diyos at mahanap mo
ang iyong mga kapatid. Naniniwala ako na nakaligtas sila kagaya mo.
After all, isa kang Del Toro.
Mahal na mahal kita, anak. Kung anuman ang maging desisyon mo ay
mauunawaan ko. Mag-iingat ka palagi at dalangin ko ang kaligayahan mo.
Nanay Lourdes
Hirap pa rin akong huminga kahit kanina ko pa natapos basahin ang sulat. Hilam sa luha ang aking mga mata sa sinapit ng aking pamilya.
Gayunman, walang hanggan ang pasasalamat ko kay Nanay Lourdes at sa
Diyos.
Kaya naman pala kay dali para kay Kuya na ipambayad-utang ako —
hindi niya ako kaano-ano. Pero kahit ganoon ay hindi ako magtatanim ng
sama ng loob. Anak siya ni Nanay Lourdes kaya tutulungan ko siya sa abot
ng aking makakaya, lalo na ngayon na may trabaho na ako. Hindi pa ako
pwedeng gumawa ng hakbang para hanapin ang mga kapatid ko dahil
bukod sa hindi ko alam kung saan magsisimula ay wala rin akong pera.
Kahit hindi ako masyadong nakatulog kagabi ay maaga pa rin akong
gumising ngayong umaga. Nakakahiya naman kung unang araw ko sa
mansyon ay tatanghaliin ako ng gising. Inayos ko ang aking higaan at saka
nagtungo sa banyo para maligo. Alas singko y media pa lang ng umaga at
may oras pa ako para magkape. Ang sabi ni Mama Flor kagabi ay bandang
tanghali ang dating ng kanyang apo. Hindi ko pa rin alam kung si Clay o
Caeden ang darating.
Kumpleto ang kagamitan sa guest room na ginagamit ko kaya
nakapagtuyo ako ng buhok at maayos 'yong ipinusod. Naabutan ko sina
Berna na nagkakape. Alas sais pala ay umpisa na ng trabaho nila at ang
mag-asawa ay alas sais y media nag-aagahan. Pasasaan ba at masasaulo
ko rin ang routine dito sa mansyon.
"Good morning, ganda. Magkape ka muna," bati sa akin ni Berna.
"Good morning din." Tinungo ko ang counter at iginawa ang sarili ko ng
kape, saka naupo sa tabi nila. "Kapag may kailangan kayong tulong ay
sabihan n'yo lang ako. Nangangapa pa kasi ako sa routine dito."
"Naku, wala naman masyadong gawain dito puwera na lang kapag may
mga bisita o kaya kasiyahan. Napakabait ng mag-asawa na ‘yan at bukod
sa paglilinis at pagluluto ay wala na kaming ginagawa, kaya easy ka lang.
Kumusta pala 'yong sugat mo?"
Sa dami ng nangyari kahapon ay nalimutan ko na ang sugat ko.
"Gasgas lang naman 'yon. Nalimutan ko na nga, eh."
"Alam mo, bagay kayo ni Sir Clay. Maganda ka, pogi siya." Pakiramdam
ko ay kilig na kilig si Berna sa sinabi niya. Para tuloy kaming bida sa
teleserye kung ikwento niya.
"Ano? Mas bagay kaya si Sir Caeden kay ganda," singit ni Margie.
"Medyo suplado kasi 'yong si Sir Clay, eh. At saka may girlfriend na 'yon, si
Mae na ubod nang arte. Naisip ko nga, siguro may built-in filter ang mukha
n'ya. Sa kapal ng makeup ay hindi ko makilala noong minsan na natulog dito."
Nakinig lang ako sa usapan nila. May kasintahan na pala si Sir Clay.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko alam kung bakit.
Napatawa si Berna. "Ay, oo! Iyong babae na natulog dito noong minsan.
Nalimutan niya 'yong facemask niya rito sa baba. Kumuha ako ng tubig
noon kaya nakita ko ang totoong mukha niya na walang kolorete — ang
sama!"
"Iyon na nga, eh. Hindi na kagandahan, hindi pa kagandahan ang ugali.
Kawawa lang si Sir Clay sa babaeng 'yon."
Nakita ko ang pagtango ni Berna bilang pagsang-ayon kay Margie.
"Kaya hindi approved kay Madam ang Mae na 'yon." Tumingin siya sa
akin. "Pero ikaw, bagay ka talaga kay Sir Clay."
"Hindi! Kay Sir Caeden siya bagay."
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. "Walang bagay sa akin kasi
hindi nila ako magugustuhan. Kayo talaga. Baka marinig tayo ni Madam
at sabihin na pinag-iinteresan ko 'yong mga apo niya."
Humagikhik si Berna. "Pogi naman talaga kasi sila. Kapag nakita mo
nga sa personal, parang artista lalo na si Sir Clay. Kaya bagay na bagay sa
kanya na may-ari ng TV network, eh. Pwede siya na ang bida sa lahat ng
teleserye pamalit kay JC De Vera!"
"Oo nga!" Nakipag-apir si Margie kay Berna. "Basta hindi si Mae
Pacheco ang leading lady niya ay pak na pak."
Napag-alaman ko sa kanila na starlet pala ang sinasabi nilang Mae at
papasikat pa lang. Usap-usapan na walang label ang relasyon ng babae kay
Sir Clay at kaya lang daw nito pinagpipilitan ang sarili ay para umangat sa
industriya. Daig ko pa ang may entertainment news kina Berna at Margie
— updated sila sa latest.
Napainom ko na ng gamot si Mama Flor at kasalukuyan siyang
nagpapahinga sa kanyang silid, kaya ipinagpatuloy ko ang paglalaba ng
mga kobre. Busy ang mga kasama ko sa pagluluto at paghahanda ng pananghalian. Kanina pa ako nagpipigil ng ihiin kaya dali-dali akong
nagpunta ng washroom. Pinakamalapit ang powder room sa kaliwa kaya
doon ako nagpunta.
Ganoon na lang ang gulat ko nang buksan ko ang pinto at mamataan ko
ang isang lalaking umiihi. Nakita ko 'yong— ahh!
Imbes na hilahin ko pasara ang pinto ay napako pa ako sa kinatatayuan
ko. Pati ang pag-ihi ko ay nakalimutan ko na.
"Are you seriously going to watch me p*e? Or you just want to see how
big I am?"
Buo ang boses niya at kahit hindi ko pa natitingnan ang mukha ay
parang kay gwapo. Ang mga mata ko ay nakapagkit sa pagkalalaki niya na
para bang lalong tumaba at humaba. Anong nangyayari?
"Shut. The. Door." Galit na siya at matigas ang boses kaya mabilis kong
hinila ang pinto at noon ko lang napansin kung sino ang lalaking
nabosohan ko.
Si Sir Clay!
Hindi ako maaaring magkamali. Magkahawig silang magkapatid pero
siguradong sigurado ako na ito ang panganay na apo ni Mama Flor. Ni
hindi ako nakahingi ng paumanhin. Kung bakit naman kasi sa lahat ng
pwede kong makita ay 'yon pa. Pwede naman na pang-upo na lang para
hindi masyadong mahalay! Sa S*x Education class namin noong high
school ay puro drawing lang ang nakikita ko, pero ganoon pala ang itsura
sa personal. Maputing lalaki si Sir dahil Amerikano ang kanyang ama.
Mahaba, mataba at... kulang pink!
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Diyos ko! Paano ako
haharap sa kanya mamaya? Nakakahiya! Paano kapag nalaman nina Sir
Franco ito? Baka masisante ako sa trabaho. Hindi na ako makakapag-aral
at— ahh!
Kalma lang, Penelope.
Hindi naman niya siguro ipagsasabi dahil mukhang matured naman
ang pag-iisip niya. Tama. Nagwo-worry lang ako para sa wala.
Nang makaramdam ako ng sakit sa puson ay mabilis akong nagpunta sa banyo at umihi. Nagbilang muna ako ng ilang segundo bago tuluyang
lumabas ng kwarto. Ganoon na lang ang gulat ko nang mabungaran ko ang
lalake sa banyo. Tinulak niya ang pinto at pumasok sa loob. Natagpuan ko
na lang ang sarili kong naka-pin sa pinto.
"Who are you and why are you using my mother's bedroom?" inis niyang
tanong sa akin.
Kwarto pala ni Miss Farrah itong pinagamit sa akin ni Mama Flor?
Pambihira. Kaya naman pala nagpuputok ang butse ng isang ito.
"A-ako po s-si Penny."
"Penny who? I don't remember seeing you here before. Magnanakaw
ka?"
Napangiwi ako. Magnanakaw? Kung magnanakaw ako, eh, ‘di sana,
pagkakita ko sa kanya ay nagtatakbo na ako palabas ng gate! Pogi nga,
masama naman ang ugali! Bagay sila ng Mae Pacheco na 'yon! Hmp!
Yumuko ako at lumusot mula sa kanyang braso, saka mabilis na
humakbang palayo. Pambihira naman itong apo ni Mama Flor —
kararating lang ay ako na kaagad ang napag-initan. Wala naman akong
ginagawa sa kanya, maliban na lang siguro doon sa insidente sa banyo
kanina. Hindi ko naman 'yon sinasadya!
"Penelope Real ang pangalan ko at nagtatrabaho ako kay Mama Flor."
Tumaas ang isang kilay niya. "Mama... Flor? Are we talking about the
same person? Lola ko ang tinutukoy mo. Are you a nurse?"
"H-Hindi. Ang tra—"
Lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. "If you are not a nurse, then
what are you doing in my mother's bedroom? This is off limits. Pack your
stuff and move."
Napabuntong-hininga ako. Kung pinapatapos niya kasi ako ng sagot,
eh, ‘di sana nagkakaintindihan kami ngayon. Wala namang problema sa
akin kung lumipat ako ng silid. Basta libre kahit sa garahe ay okay lang sa
akin. Hinidi ko na sinagot ang tanong niya at tinungo ko ang closet.
Inilagay ko lahat ng gamit ko roon at isinunod ang ilang gamit ko sa banyo.
Wala pa naman akong gasinong kagamitan, kaya naging madali para sa
akin ang mag-impake.
Pinanood niya ako at para bang pakiramdam ko ay binabantayan niya
ang bawat kilos ko. Akala ba niya kukuha ako ng gamit ng mama niya rito?
Excuse me lang sa kanya, pero hindi makati ang kamay ko at wala akong
interes sa mga bagay na hindi ko pag-aari. Besides, grateful ako kay Sir
Franco at Mama Flor sa binigay nilang pagkakataon sa akin. Hindi ko 'yon
sasayangin nang ganoon na lang.
"Done?" masungit niyang tanong sa akin.
"Opo, sir," sagot ko sa kanya. Pinili kong pakalmahin ang sarili ko kahit
hindi ako natutuwa sa pakikitungo niya sa akin. Kahit naman saang anggulo tingnan ay apo siya ng may-ari ng bahay at dapat kong irespeto.
"Good. Let's go." Binuksan niya ang pinto at pinauna akong lumabas
bitbit ang bag ko.
Hustong paglabas naman ni Mama Flor nang pahakbang na ako sa
unang baitang ng hagdan pababa.
"Clay! You're home. Oh, I'm so happy you're—" Napatingin siya sa akin
at bakas ang gulat niya nang mapansing may dala akong bag. "Penny, saan
ka pupunta at dala mo ang gamit mo?"
"I asked her to vacate Mama's bedroom. Sino ba siya?"
"Clay Francis Parker, your mother didn't raise you to be rude. What's
gotten into you? She's my guest!" Halos magdikit ang mga kilay ng ginang
sa hiya sa nangyari at inis sa apo niya.
Ako ay nanatiling walang kibo sa kinatatayuan ko at hinayaan silang
mag-usap. Medyo mabigat nga lang ang bag ko at nakakangawit. Kumapit
na lang ako sa railing at baka mamaya ay mahulog pa ako sa hagdan
habang naghihintay na matapos sila.
"I'm sorry, Lola. But I don't know her and I saw her enter Mom's room.
Tinanong ko siya kung nurse mo siya pero hindi daw at—"
"Apologize to her, now." Matigas ang pagkakasabi ni Mama Flor at
napangiwi ako. Nakakatakot palang magalit ang matandang ito.
"What? No. I didn't do anything wrong." Umiling si Clay at tumanggi sa
ipinapagawa ng kanyang lola.
"You didn't do anything wrong? Pinaalis mo ang bisita ko sa kwarto na
ipinagamit ko sa kanya. What gave you the right to treat her that way? If it
wasn't for her, I would be in the hospital right now. Worse, baka hindi mo
na ako kausap ngayon at pantay na ang mga paa ko."
"Huh? What happened? Are you okay?" Biglang nagbago ang tono ng
boses at bakas ang pag-aalala niya para sa abuela.
Napahilot naman sa sentido ang matanda at saka nagpaliwanag.
"Iniligtas niya ako sa mall kahapon. I was about to get hit by a car when
she pulled me back, at kung hindi niya ako sinalo, malamang ay may bali
ako."
"Oh my God! Nagpunta ka na naman ba sa mall mag-isa? Lolo has a
driver for you already and—"
"Did you hear me? May pinapagawa pa ako sa 'yo."
"It was just a misunderstanding, and there's no need for me to apologize
to her. She's welcome to stay in this house. But, Lola, it's not right that
she's sleeping upstairs while the others are in the quarters. You must treat
them equally."
"Clay." Binigyan siya ng warning tone ni Mama Flor.
"I'm just telling you the truth." Hinarap niya ako at tumitig sa mga
mata ko. Nakakahipnotismo at kahit crush ko pa siya, naglaho na 'yon ng
parang bula dahil sa pag-uugali niya. "I'm... I'm s-sorry." Labas sa ilong ang
paghingi niya ng paumanhin pero mas okay na 'yon kaysa naman tumaas
ang blood pressure ng kanyang lola.
"Penny, pasensya na sa inasal ng apo ko. If you don't mind using the
guest room, pangalawang kwarto pakaliwa mula sa dating kwarto na
tinulugan mo. I would appreciate it. You may go."
Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko papunta sa kwarto na
pinapalipatan sa akin. Habang inaayos ko ang aking gamit ay saka ko
naisip ang ginawi ni Sir Clay. May pagkasentimental nga siguro siya kaya
ayaw ng may ibang taon gagamit sa kwarto ng kanyang ina. Kung alam ko
lang na kay Miss Farrah 'yon ay ako na ang unang tumanggi sa paggamit
ng kwarto bilang respeto sa alaala niya.
Para naman kay Mama Flor, ramdam ko ang kagustuhan niya na itrato
ako bilang miyembro ng pamilya, kaya siguro doon niya ako pinatuloy sa
kwarto ng kanyang anak.
Gaano kaya katagal ang pagtigil ni Sir Clay dito? Parang hindi ako
mapapakali na araw-araw siyang narito. Daig pa ang agila kung
makatingin at animo’y mandaragit. Isa pang issue ay 'yong napagkamalan
niya akong magnanakaw. Ang sakit palang maparatangan ng isang bagay
na hindi mo pa nagagawa. Iyon bang may hatol na kaagad kahit hindi ka
pa nakakapagpaliwanag. Kung ang ikinakagalit naman niya ay 'yong
nangyari sa banyo, hindi ko rin sinasadya 'yon! Pero may kasalanan din kasi ako dahil hindi ko kaagad naisara ang pinto para bigyan siya ng
privacy. Malay ko bang nakakahipnotismo ang makakita ng pagkalalake
niya? Kung ahas siguro 'yon, malamang natuklaw na ako!
💘 The Perfect Maid by Raven Sanz
📲 Get your eBook copy at www.rsreads.com or download the RS Stories app and subscribe to read more stories!