RS Stories

RS Stories Where every story has a soul

RS Stories is a modern publishing and entertainment brand that brings emotionally rich fiction to life through digital platforms and print. Originally launched as RavenS Mobile in April 2022, the company evolved into RS Stories to reflect its growing global vision and commitment to immersive storytelling. With a focus on contemporary romance, drama, and character-driven narratives, RS Stories conn

ects readers through its intuitive app and expanding paperback catalog. Whether you’re reading in Tagalog or English, on your phone or with a book in hand, RS Stories offers a seamless experience that blends technology with heart. From its roots in the Philippines to its growing international reach, RS Stories is more than a publisher—it’s a creative movement built on passion, community, and the power of words.

Never in my wildest five years of writing fiction did I imagine my books would find their way to the Frankfurt Book Fair...
10/17/2025

Never in my wildest five years of writing fiction did I imagine my books would find their way to the Frankfurt Book Fair 2025—and with the Philippines as this year’s Guest of Honour, my heart is doing a happy little tinikling dance 💃🇵🇭.
If there’s one silver lining the pandemic gave me in 2020 (aside from mastering the art of chocolate cookies and not catching Covid 😅), it was reigniting my love for writing—a flame I thought had long flickered out. Turns out, boredom can be a sneaky blessing. It nudges you to explore beyond the daily grind and discover passions hiding in plain sight.
To my mom, who first taught me how to read and write—you planted the seed, and now here we are, blooming in Frankfurt. This one’s for you. ❤️

🚀 RS Stories just got an upgrade!Android users — you can now log in or sign up using your Google account.📣 Update your a...
10/06/2025

🚀 RS Stories just got an upgrade!
Android users — you can now log in or sign up using your Google account.
📣 Update your app today for a smoother experience.

RS Stories Inc.Represented by Raven SanzProudly Filipino. Quietly Bold. Universally Human.RS Stories Inc. is proud to jo...
09/30/2025

RS Stories Inc.
Represented by Raven Sanz
Proudly Filipino. Quietly Bold. Universally Human.

RS Stories Inc. is proud to join the Philippine national stand at the Frankfurt Book Fair this October, where six of Raven Sanz’s captivating stories will be featured. These works reflect the emotional depth and creative spirit of Filipino storytelling.

With humility and pride, Raven Sanz stands alongside fellow Filipino publishers and authors—bringing voices from the islands to the global stage.

📚 Six stories. One voice. Infinite heart.
🌏 From the Philippines, for the world.

RS Stories Inc. — Where stories rise, and roots run deep.

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!Grace Sendinillo Tangonan, Kiarah Bugtay, Ednalyn Macasojo...
09/27/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Grace Sendinillo Tangonan, Kiarah Bugtay, Ednalyn Macasojot, Sherryl Mondido, Adalia Mananghaya Esmabe, Leo Alquizar, Leonila Copias Roque, Rodolfo RodolfoDe Leon, Lyn Leoveras, Edwin Manese, Gelie Elpedes, Asirie Mastail

🔥 Wings Promo Alert! 🔥Get 30% OFF your favorite wings and unlock that VIP story you’ve been craving!📅 Offer valid until ...
09/20/2025

🔥 Wings Promo Alert! 🔥
Get 30% OFF your favorite wings and unlock that VIP story you’ve been craving!
📅 Offer valid until September 30
📩 Message me now to claim this exclusive deal!
💳 Mode of Payment:
GCash – 0927 456 6135
📲 Download the RS Stories app and subscribe.

Okay, pogi siya at friendly. Mukhang genuine angpakikitungo niya but I could never be too sure. Malay ko kungmasamang ta...
09/20/2025

Okay, pogi siya at friendly. Mukhang genuine ang
pakikitungo niya but I could never be too sure. Malay ko kung
masamang tao siya? Sabi ni Ate Len, uso daw ang kidnap dito at
kinukuha ang lamang loob—particularly, kidneys. Bigla akong
kinilabutan.
Ngumiti ako sa kaniya. “Sorry, Andrew, your offer is tempting
pero hindi naman tayo personal na magkakilala. Nag-iingat lang ako,
I hope you don’t mind.”
Tumawa ito. “It’s okay. Ngayon ko lang napatunayan na hindi
pala lahat ng babae makukuha sa charm ko. Actually, you’re the first.
So ganito na lang, susundan ko na lang ang taxi na sasakyan mo para
alam kong safe kang makakauwi sa inyo. How’s that?”
“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. I’m old enough.”
“I know. You’re like my age, twenty-five ka na rin ba?”
Baby face nga raw ako sabi ni Ate Len pero ang totoo niyan, alaga
lang sa facial at maraming tulog.
“Nope, twenty-nine na ako. Mas matanda pa ako sa iyo.”
“Age doesn’t matter.”
Napangiwi ako. Mukhang may crush pa yata siya sa akin.
Mahirap mag-assume pero parang ganoon na nga.
“Basta, I want to make sure you’re safe kaya ’yon ang
gagawin ko,” pinal na sabi niya.
“Ikaw ang bahala. Hassle ’yan, sinasabi ko sa ’yo.”
“I have a one week vacation here at pagkatapos ay babalik na
ako ng Maynila. Nandoon kasi ang branch na mina-manage ko. Si
Kuya ang may hawak ng branch ng negosyo namin dito,” kuwento
nito.
So, bunso rin siya. How neat. Hindi na ako nag-abalang
itanong kung anong negosyo nila. Malamang ay ito ang una at huling
pag-uusap naming dalawa. Marami siyang tanong tungkol sa Spain at
kinuwentuhan ko siya. Wala siyang tinanong tungkol sa royal family.
Siguro kahit pamilyar sa kaniya ay hindi siya interesado. Hindi rin
naman ako madalas sa limelight. If any, palaging malayo ang kuha
ko.
Being in the limelight was something I was never a fan of.
Kung hindi ko rin lang kailangang lumabas at makipag-socialize sa mga elitista ay hindi ko gagawin. Gusto ko lang nang normal at
tahimik na buhay. Hindi ko maiwasan minsan na mainggit sa mga
kaeskwela ko noon sa unibersidad. May kaya rin ang mga pamilya
nila pero hindi kasama sa mga royals at mas maluwag ang kilos nila.
They had a family of their own now—at least, the majority of
them. Ako kaya, kailan?

“Really? Whereabouts?”Saan daw ako galing. “Spain.”“Ah, that’s one of the countries I would love to visit. Ako ngapala s...
09/20/2025

“Really? Whereabouts?”
Saan daw ako galing. “Spain.”
“Ah, that’s one of the countries I would love to visit. Ako nga
pala si Andrew.” Nag-abot ito ng kanang kamay.
I didn’t want to be rude so I shook his hand. “Le—I mean,
Len.” Sa sobrang practice namin ni Ate Len, mukhang ako pa ang
hindi handa sa aming dalawa. Sasabihin ko sanang Letizia ang
pangalan ko.
“Len, is that a short form for something?” tanong nito.
“Leonora.”
“Nice name. I like old names like that. Ang mother ko kasi
mahilig sa modern names. Saan ka nga pala sa Iloilo?”
Kahit antok na antok ako at masakit ang ulo ay pinilit kong
makipag-usap sa kaniya. Mabait naman siya at gusto lang
makipagkaibigan. At twenty-nine years old, hindi pa ako nagkanobyo.
Baka nga iyon ang isang dahilan ng aking ama kaya bigla na lang
niya akong gustong ipakasal. Lalo at bunso ako sa aming dalawa ni
Alvaro . Nasa Marivent Palace siya at may dalawa ng anak. Doon sila
naninirahan ni Argentina, ang asawa niya.
“Iloilo City, malapit sa may simbahan sa bayan.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga?”
“Bakit?” Bigla akong kinabahan, mali ba ang description ni
Ate Len sa bahay nila?
“Kasi malapit din ang bahay namin sa may simbahan. Small
world.” Prente itong sumandal at mukhang masaya.
“We’re neighbours?”
“I don’t know. I guess we will find out later. May susundo ba
sa iyo?”
“Malapit lang naman ang bahay namin eh, kaya hindi na ako
nagpasundo. Isa pa, wala akong masyadong dala.”
“Sumabay ka na lang sa akin. Iniwan ko ang sasakyan ko sa
airport. Mas magiging komportable ka,” alok niya.

MAINIT ang hangin at nanlalagkit na ako sa may gate.Mabuti na lang pala at kulay itim ang napili kong isuot na blouse.Gu...
09/20/2025

MAINIT ang hangin at nanlalagkit na ako sa may gate.
Mabuti na lang pala at kulay itim ang napili kong isuot na blouse.
Gusto ko sanang mag-shorts pero mahigpit na bilin ni Ate Len na
magpantalon ako lalo na kung nasa Maynila. Mas mabuti na raw ang
safe than sorry.
I took a direct flight from Spain to Manila and it took less
than nineteen hours. May isang stop over pa iyon. At ngayon, lumabas
ako sandali para lumanghap ng hangin. Totoo nga ang sinasabi nila
na masyadong polluted na ang Maynila sa sobrang daming tao at
mausok na tambutso ng mga sasakyan. In fairness, simula nang
maupo ang bagong presidente ay malinis na ang airport at maging ang
paligid sa labas. Marami pa ring pasaway. Ipinakita sa akin ni Ate
Len ang airport ten years ago at sa mga kuwento niya na madumi ang
banyo at kung ano-ano pa, malaki na ang improvement nito.
Nang tawagin ang flight ko ay bumalik ako sa loob at
naglakad papunta sa gate. Isang oras na lang at makakapahinga na
ako. Alam ng mga magulang ni Ate Len na uuwi siya pero nang
tawagan niya ang mga ito ay sinabing hindi na ito nagpasundo.
Komportable na sana ang upuan ko sa first class kung hindi dahil
sa antipatikong lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa akin. Noong
una, hindi ko siya pinapansin. Pero nang magtagal ay naaasar na ako
sa kaniya. Aba, kulang na lang kainin niya ako nang buhay! Hindi ko
na naiwasang magtaray sa kaniya.
“What’s your problem?” mataray na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti ito. He was a bit younger than me, pakiramdam ko lang.
“Wala, nagagandahan lang ako sa iyo. Pamilyar ang mukha
mo. Nagkita na ba tayo dati?”
He was trying to be friendly at na-guilty naman ako. I am so
tired from the flight kaya lumalabas ang taray kong taglay.
“Thanks, but I don’t think so. First time kong—” S**t. Muntik
8 RAVEN SANZ
ko ng masabi na first time ko sa Pilipinas. Timang ka talaga, Zia.
Ikaw si Leonora, remember? Tumikhim ako at nag-compose ng
sarili. ”First time kong umuwi after ten years. Kaya malabong nagkita
na tayo,” sabi ko sa kaniya.

Curious ako.”“Oo na. Kahit hindi ko alam kung paano mag-picture ng kalulu—aray!”Hinampas niya ako nang mahina sa may pun...
09/20/2025

Curious ako.”
“Oo na. Kahit hindi ko alam kung paano mag-picture ng kalulu—aray!”
Hinampas niya ako nang mahina sa may punong braso. Ganito kami, normal niya akong ituring kapag kami lang dalawa. Kahit saglit, gumagaan ang pakiramdam ko at parang hindi
ako nabibilang sa royal family. Ang sarap sigurong mamuhay nang normal lang at hindi kilala ng lahat.
“Kaluluwa ka riyan. Baka mamaya ma-in love ka sa kaluluwa, alayan mo nang kung ano-anong prutas katulad sa
ginagawa ng mga Intsik. Hindi ba at nag-aalay ng prutas ang mga iyon—iyong mga orange.”
“Ah, ewan. Basta, pipiktyuran ko na lang siya at kung hindi ma-develop, walang sisihan ha!”
Nagyakap kami at palabas na ako ng pinto nang magpahabol siya.
“Kakanin.”
“Ha?”
“Kakanin. Mahilig siya roon.”
Tumango ako kahit hindi ko alam kung para saan iyon. I love sticky rice but I needed to watch my weight too. Sa sobrang sarap, ang bilis din magpataba.
So here I go, I’m off to Iloilo for a new adventure, wish me luck.

Bumungisngis kaming dalawa.“Len, I hope you know you’re one of my most favorite people in the world. Kung wala ka, hindi...
09/20/2025

Bumungisngis kaming dalawa.
“Len, I hope you know you’re one of my most favorite people in the world. Kung wala ka, hindi magiging masaya ang pagdadalaga ko.
You were barely twenty one when you arrived here. Kung hindi lang nila alam na mas matanda ka ng dalawang taon sa akin ay iisipin
talaga nila na kambal tayong dalawa.”
“Hindi lang ’yon, hindi ba at may mar—”
“Sssh! Baka may makarinig sa ’yo, sige, ikaw rin titingnan nila iyan.”
“Oo na. Basta talasan mo ang pakiramdam mo, ha?”
“Paulit-ulit?”
Inirapan niya ako. “Nagpapaalala lang. Ate mo ako.”
“Yes, po.”
“Ano ang pangalan ng magulang ko at mga kapatid?”
“Si Mila at Tino, bunso mo si Junjun at Maya.”
“Sino ang long time crush ko?”
“Artista ba o ’yong tunay na tao?”
Napanganga ito sa akin. “Parehong tao ’yon, ano ka ba?”
“Joooke! Grabe naman, ang seryoso mo kasi. Siyempre crush
na crush mo si James Reid tapos iyong medyo kaluluwa, eh, si Aaron Syjuco,” tatawa-tawa kong sabi sa kaniya.
Kaya heto siya, nanlilisik ang mata sa akin. “Kaluluwa talaga?”
“Eh, hindi ba at sabi mo, noong high school kayo—
nilalampasan ka lang niya? Kaluluwa. Ghost. Teka, mahal mo ba iyon? Baka hindi lang crush iyan ha! Uy! Sumisinta na si Ate Len.”
“Gaga! Crush lang kasi sobrang pogi niya. At isa pa, hindi lang siya campus crush, as in crush ng buong bayan iyon!”
Napailing ako. “Sus! Wala nang gagandang lalaki pa kay Jacob Elordi.”
“Hindi ka naman kilala ni Jacob, eh. Isa pa, si Leopoldo ang nakatakda, hindi ba?”
Umasim ang mukha ko. “Huwag mo nang ipaalala.”
“In fairness, ano na kayang hitsura ni Aaron ngayon. Kamukha iyon ng crush mo, eh, pero payatot pa siya noon at may brace. Alon-alon din ang buhok niya na hindi purong itim. Kapag may pagkakataon ka, kuhanan mo siya ng picture tapos i-send mo sa akin.”

Pero iba si Leonora, mabait siya. At siyempre, maganda— magkamukha kaya kami.“Ay, oo nga pala. Medyo natatakot pa rin ak...
09/20/2025

Pero iba si Leonora, mabait siya. At siyempre, maganda— magkamukha kaya kami.
“Ay, oo nga pala. Medyo natatakot pa rin ako. Paano kung mabuko ako?”
Napatawa ako. “Alalahanin mo lang ang lahat ng itinuro ko sa ’yo. Kapag nakalimutan mo, kunin mo ang kopya sa safe. Alam mo
naman ang kombinasyon noon. Personal ko ’yon at walang ibang nakakaalam kung hindi tayong dalawa lang. Saka may telepono
naman sa bahay ninyo, puwede kang tumawag doon at hanapin ako.”
Napangiwi siya. “Sa tingin mo ba, hindi ako mabobosesan ni
Inay? Bumili ka kaagad ng simcard doon at i-text mo ako. Mag-iingat ka, ha. At huwag kang masyadong sosyal manamit,” bilin niya.
“Bakit naman?”
Natapos ko nang i-check ang lahat ng dadalhin ko. Hindi naman ito marami. Ilang pares lang ng t-shirt at pantalon, shorts,
sweater at... maraming sapatos. Naisip ko kasi, puwede naman akong bumili ng ilang damit pagdating ko roon. May usapan na kami ni
Leonora na papadalhan niya ako ng panggastos kung sakaling kulangin ako. Hindi ako puwedeng magdala ng malaking cash.
“Baka ma-kidnap ka!”
Napatawa ako sa kaniya. “Kidnap? Ang mapapala lang nila ay ang sampung libong cash na dala ko, remember? Lugi pa sila sa
pamasahe. Bago pa nila ako ma-kidnap ay naibili ko na iyon ng pagkain. Isang oras lang ang flight mula sa Maynila hanggang Iloilo
so it’s not that bad. Nai-book ko na ito online.” Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa kamay ko.
“Zia, mag-iingat ka, ha. First time mo sa Pilipinas. Matagal
na rin akong hindi umuuwi sa amin. Halos magsasampung taon na
kaya hindi ko alam kung ano na ang bago roon. Basta anuman ang mangyari, tawagan mo ako at nakahanda akong magpaliwanag kay
Inay at Tatay,” halos mangiyak-ngiyak niyang wika.
Pinispis ko ang kamay niya para pakalmahin siya. “Ano ka ba? Magiging okay ako. Ikaw, alalahanin mo ang lahat ng itinuro ko
sa ’yo. Ituwid mo iyang likod mo kahit ngalay na ngalay ka na. Diretso ang tingin at huwag kang tawa nang tawa.”
“Para mo na ring sinabi na huwag na lang akong huminga!”

Address

Burlington, ON

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

https://apps.apple.com/ca/app/rs-stories/id649947190

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RS Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RS Stories:

Share

Category