08/27/2024
Chika time:
"Check-up"
Natatandaan ko sa pinas may experience ako na nagfollow-up check-up ako sa doctor nagpalista ako ng 7am, naghintay ako sa labas para tawagin sa loob. Tinawag ako sa loob 11am na, while waiting sa loob ng OPD may mga kasabay ako na same doctor ko rin. Kesyo maaga pa nga daw sila, wala pang kaen in short gutom na. Same po sa akin katakutan kong malampasan ng pangalan at bumalik ako sa kahulihan, hindi na din ako kumain. Mabalik ako sa kwento, alam nyo ba nabola ako sa binggo 2pm since ako yung pinakabata sa mga nagpapacheck-up ako yung pinanghuli nila kasi karamihan senior yung kasabay ko. Pagpasok ko sa room wala pang 10mins ako nakausap ng doctor. Matagal pa ang pinaghintay ko sa ikinausap ko sa doctor. Binigyan ako ng mga checklist ng laboratory test na kailangan ipagawa sakin pero ang unang tanong ay magkano ba ang bawat isa muna, kasi kung mahal hindi ko muna ipagagawa. Bibigyan ka ng maraming gamot para sa marami mong daing.
Ibang-iba dito sa Canada, more or less 2hrs kame naghintay matawag as walk-in patients since wala pa kaming family doctor dito. Nung nakita kami ng doctor kahit ano pang daing mo hangga't maaari hindi sila nagbibigay ng madaming gamot. Nagbigay ng checklist ng laboratory test, nanghingi pa nga kami ng vitamins para kay Ali ayaw nya kami bigyan paarawan lang daw namin kasi Vitamin D daw ang need. Nga pala, libre po dito ang check-up sa Canada pati mga laboratory test wala pong babayaran. Ganyan dito, may saysay yung mga taxes na binabayaran nyo. Sabihin man natin na galing parin sa atin at hindi libre kasi may tax, hindi siya kagaya sa pinas na huhugot ka talaga sa bulsa pambayad. Hindi pa sure kung kakasya o kukulangin pa yung huhugutin mo. Libre din pala ang panganganak dito, from check-up to hospitalization walang bayad yan sya. Mapa-normal delivery or CS delivery. Basta may health card ka, yung health card naman upon arrival dito sa Canada makukuha mo na rin siya. In short hindi ka mastress sa pera na gagastusin. Sa pinas stress kana nga kasi may sakit ka, stress ka pa lalo sa bill sa clinic/hospital mo.
Ang masasabi ko lang, worth it dito lalo pagdating sa health mo. Ayun lang! Share ko langπ Sige na masyado na yatang mahaba, maumay kana magbasa. Hanggang sa susunod na chika!π