03/27/2026
Bakit kasi walang malawak na oil reserve ang Pilipinas, bakit hindi ito ginawa ng mga naging presidente ng ating bansa na sumunod kay Apo Lakay, eh di sana sa panahon ng Oil Crisis hindi tayo dumadapa ngayon, at kontrolado ng gobyerno ang oil prices sa bansa.
Walang ginawang programa o proyekto for Oil Reserve ang mga naging pangulo ng Pilipinas, patunay lang talaga na after Marcos Sr, wala nang matinong politiko, puro politika nalang ang inaatupag.
Yung ibang mga bansa gaya ng Japan, may mga oil reserve sila na kayang tumagal ng halos isang taon, eh tayo kamusta?
Noong panahon ni President Ferdinand E. Marcos, ATIN ANG PETRON, taon 1973 pagmamayari ng pamahalaan ang Petron Corporation sa ilalim ng Philippine National Oil Company (PNOC), at ibinenta ni Fidel Ramos sa private company “Saudi Aramco” noong 1994 ang malaking bahagi nito hanggang sa nawala na talaga sa Gobyerno.
Idagdag pa natin ang Deregulation Law ng 1998 noong panahon ni Ramos na nagtanggal sa government control pagdating sa pag purchase ng Oil at Fuel pricing. Eh di lumala diba?
Ang petron noon ang tumatayong pinaka-mataas na Oil Company sa bansa dahil ito ay nasa Gobyerno.
Imagine kung walang Deregulation Law at nasatin pa ang Petron, eh di hindi basta basta makakapagsamantala ang mga oil companies sa bansa pagdating sa presyo, plus may Oil Reserve pa, eh di wala sana tayo ngayon sa National Energy Emergency.
Tanungin niyo kay Apo Lakay sa Libingan ng mga Bayani kung anong ginawa ng mga Politikong sumunod sa kanya sa ating bayan.
Ngayon inaabuso ang mga Pilipino ng mga Oil Companies, napag-alaman ng pamahalaan na Sukdulan ang pagmamanipula sa Presyo ng Oil, sa Asean tayo ang may pinakamalalang patong sa presyo ng oil, ganon tayo pinagsasamantalahan. Kung ang petron ay nasa pamahalaan pa ng Pilipinas, malamang hindi nila basta-basta magagawa ito.
Ito pa, ang BATAAN NUCLEAR POWER PLANT na pinagawa noon ni Marcos Sr. Malaking tulong sana yun pagdating sa Energy Source ng Pilipinas, kaso anong ginawa sa sumunod na mga Presidente pinulutika, siniraan. Ilang dekadang hindi napaandar, so ngayon kamusta tayo? Ayon nasa State of National ENERGY Emergency. Eh kung may Bataan Nuclear Power Plant sana eh nuh?
Nakakapanghinayang sa totoo lang! After Marcos Sr naging basura ang sistema sa Pilipinas, at lahat tayo apektado.
Credit: Sangkay janjan