08/13/2025
Signs na Burnout Ka Na sa Trabaho
1. Pag gising mo pa lang, pagod ka na.
Hindi lang sa katawan pati sa isip. Yung tipong kahit rest day, parang hindi ka nakapagpahinga.
2. Wala ka nang gana sa work.
Yung dating excited ka mag-ready o mag-setup, ngayon parang ginagawa mo na lang para matapos.
3. Easily irritated ka.
Mali lang ng tanong ng katrabaho mo, inis ka kana agad, Konting abala, parang big deal na lahat.
4.Hindi ka na nag-i-improve.
Parang naka-autopilot ka lang sa station mo. Walang challenge, walang growth nakaka-drain.
5. Feeling mo walang nakaka-appreciate.
Yung kahit ginalingan mo, parang wala lang sa management o team. Tumatagal kang tahimik, pero ramdam mong wala kang progress.
6. Physically may nararamdaman ka na.
Sakit ng ulo, likod, tuhod — madalas hindi dahil sa trabaho lang, kundi dahil pagod na pagod na katawan mo kakabuhat ng stress.
7. Nagsisimula ka nang magtanong: “Bakit ko pa ‘to ginagawa?”
Kapag lagi mo nang kinukuwestyon ang trabaho mo kahit dati gusto mo naman — malamang burnout na yan.
Anong dapat gawin?
-Pause and reflect. Kahit short break, malaking tulong.
-Ka-usapin mo boss mo. Baka pwedeng mag-rotate ka muna sa ibang station o humingi ng day off.
-Alagaan sarili mo. Tulog, kain, mental health — hindi lahat dapat isugal sa trabaho.
-Maghanap ng purpose ulit. Balikan kung bakit mo sinimulan — baka kailangan mo lang ng reset, hindi ng resign.
Burnout doesn’t mean mahina ka — minsan, sign lang siya na sobra mong binibigay ang sarili mo sa trabaho. Kahit na ubos na ubos kana. Lalo na kung hindi naappreciate ang effort mo. Take a rest or better find a new environment na sa tingin mo maappreciate ka 💯🙏☝️