09/10/2024
For lunch:
Minarinate ko yung pork overnight sa toyo and calamansi para mas malasa. Hindi din ako nag-add ng asin ☺️ Ang gamit kong sauce is organic Tomato sauce in Basil. Plus yung kanin is moringa rice ☺️
For snack:
Fave ng mga anak ko yung Yogurt with fruits. Plain yogurt ang gamit ko, nilagyan ko ng slices of Pear, tapos pure maple syrup as sweetener then Bee Pollen ☺️ Laging ubos ang baon nilang Yogurt ☺️
Yung Go-Go Squeeze napag-tripan lang nila yan 😅 nalilibang siguro sila habang iniinom yan 😂
Ilang taon na akong hindi gumagamit ng Magic Sarap, Ginisa mix, Sinigang mix, betsin at iba pang artificial na pampalasa. And yes, posible parin na maging masarap ang timpla ng niluluto kahit wala nyang mga yan ☺️ Rekado and spices lang, sapat na 🫶