08/05/2023
Matagal tagal din kaming hindi nakapag update sa wasak page namin....
So eto na nga kasi.....
Akala namin sa ROS lang may kasal meron din pala sa tunay na buhay!!
Ang dating mag ka Duo, magka squad at mag kafireteam sa larong Rules of survival eh OFFICIALLY MARRIED NA!
Saksi ang ROS at ang binuo naming family na wasak sa isang succesful relationship namin....
Thru Virtual game into Reality world....
Dinala kami ng ROS sa ibang dimension ng buhay kung saan naging konektado kaming lahat sa tunay na buhay! At eto ngang April 23, 2023 ay naging isang malaking marka sa amin....
Sa relationship namin isang malaking part ang wasak Family.....Gaya ng family na to naging solido din ang aming relasyon, may mga problema, away tulad sa laro pero nandito pa din tayo kasama nila....
This is it our road to forever, ang dating hanggang sa mobile screen lang tayo ngaun heto nahahawakan na natin ang isa't isa - Mr. Tamghie
Akalain mo yun almost 3years LDR wala eh baka wasak to! kaya kahit maglag pa, kahit sa anu pang laro sasamahan kita sa kahit anung gaming lobby pa yan! - Mrs. Tamghie
Nawala man ang ROS NAHANAP naman namin ANG kakampi, kaagapay, soulmate at katuwang sa buhay! Magkasamang tatambay sa lobby😂😂😂 at iba pang gaming arena...!!!!
Sana lang bumalik pa ang ROS kasi iba pa din ang larong to daming memories at daming ganap!
Ps. sayang hindi nakapunta yung ibang WASAK FAM kasi may mga pasok at medyo mga bata pa sila kaya di pinayagan....
so eto muna ang mga naglulupitan at nag gwagwapuhang Wasak Family members
Pss.... ulit yung dalawang naka blue dress lalake po yan charot😂😂😂
Insert prince na lakwatsero kaya wala sa picture🤣 pati si pafi allan na late nang dumating....