06/30/2026
Payag ka be na parang INC is a CULT? INC is a CULT and INC members are nothing but SHEEPS. They do whatever Manalo tells them to do. Wala silang sariling pagiisip.
Anong masasabi ninyo dito
Dinoktrinahan ako sa Iglesia Ni Cristo. Sinubukan din ako. Pero bakit hindi ako umanib?
Marami akong nakausap na ibat ibang ministro tungkol sa Doktrina ng INC. Sinagot nila ang mga tanong ko. Sumang ayon ako sa karamihan sa doktrina ng INC pero may mga ibang tanong ako na kulang ang sagot ng mga ministro.
Noong nag announce ako na hindi ako umanib, sinabi ng mga kapatid saken na “hindi mo lang naunawaan”. Hindi naman totoo yon. Naintindihan ko nga yong doktrina ng INC, hindi lang ako naniniwala na tama ang interpretation ni Felix Manalo sa Biblia.
Eto ang tatlong pinakadahilan kung bakit hindi ako umanib sa INC.
DISCLAIMER: Hindi ako galit sa INC at hindi ako naninira. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang mga hadlang ko. Baka pwede rin kayo magbigay ng liwanag.
1. Ibong Mandaragit
Nasa Isaiah 46:11 na manggagaling sa silanganan ang ibong mandaragit. Sabi ng INC na eto si Felix Manalo. Pero mas may sense na ang “ibong mandaragit” ay tumutukoy kay King Cyrus ng Persia, hindi kay Felix Manalo.
Kung tingnan natin ang konteksto ng Isaias 44–45. Doon mismo pinangalanan ng Diyos si Cyrus bilang Kanyang gagamitin upang tuparin ang Kanyang layunin para sa Israel. Sinabi sa Isaias 44:28, “Si Cyrus ang aking pastor,” at sa Isaias 45:1, “Ganito ang sabi ng Panginoon sa kanyang hinirang, kay Cyrus.” Dahil si Cyrus ang pangunahing tauhang tinatalakay sa mga kabanatang ito, makatuwirang siya rin ang tinutukoy sa Isaias 46:11 na ibong mandaragit.
Galing siya sa silanganan noong 539 BC at isang Ibong Mandaragit ang simbolo sa watawat nya.
2. Pagkakaisa
Ang doktrina na kailangan tayo magboto sa politician na gusto ng Pamamahala. Sabi ni Ka Erdy Manalo na malaking kasalanan yong hindi tayo sumunod sa doktrina ng pagkakaisa.
Yon nga lang hindi ito sinusundan ng mga kapatid sa ibang bansa tulad ng Australia at America. Hindi sila nag uunity voting doon. Kasi if ever gagawin ng mga kapatid sa Australia at America yong unity voting, mawawala ang tax exempt status ng INC. Ibig sabihin, pwede talaga mag unity voting ang INC sa Australia at America PERO kung gagawin nila yon, magbabayad na ng tax ang INC. Kaya mas pinili ng pamamahala ng INC na hindi magbayad ng tax kesa magkaroon ng pagkakaisa. Akala ko malaking kasalanan yong hindi sumunod sa doktrina ng Pagkakaisa? Pero dito ipinakita ng pamamahala na mas mahalagang hindi magbayad ng tax ang INC. Dito ako may problema. Malaking hadlang sa pag-anib ko ito.
Nauunawaan ko na napakahalaga ng pagkakaisa sa Iglesia, at sang-ayon ako na dapat natin itong pagsikapan. Gayunpaman, ang pagkakaisa ayon sa Biblia ay tungkol sa pagkakaroon ng iisang pag-iisip at espiritu sa ating pananampalataya at paninindigan kay Cristo, hindi tungkol sa pagsang-ayon sa bawat desisyon na ginagawa natin sa buhay. Halimbawa, sa Roma 14:1-5, itinuro ni Pablo na maaaring magkaroon ng magkakaibang personal na paniniwala ang mga Kristiyano sa ilang bagay, ngunit maaari pa rin silang mamuhay nang may pagkakaisa hangga’t may pagmamahal at respeto sila sa isa’t isa.
3. Pagpasalamat
Wala sa Biblia na kailangan nating magdaos ng Pasalamat sa kalagitnaan at katapusan ng taon, at mag-ipon ng pera sa buong taon para ihandog sa “Pagpasalamat”
Sa pagkaunawa ko kasi, ang turo ni Apostol Pablo tungkol sa pagbibigay ay: “Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso.”
Ibig sabihin, kusang-loob ang pagbibigay at nakabatay sa personal na pasya ng bawat mananampalataya, hindi sa isang nakatakdang sistema o obligasyon dahil miyembro ka ng isang organisasyon.
Tungkol naman sa 1 Corinto 16:2, totoo na sinabi ni Pablo na magtabi ng salapi nang regular. Pero kung babasahin ang buong konteksto, ang tinutukoy niya ay isang espesyal na ambagan para sa mga kapatid na nangangailangan sa Jerusalem. Wala akong nakikitang bahagi doon na nagsasabing ito ay taunang Pasalamat o na dapat mas malaki ang handog bawat taon.
Wala sa Biblia ang “Pagpasalamat” na sistema na ginagawa ng INC.
Laging sagot ng mga ministro dito ay “basta kung hindi word for word nakasulat sa Biblia ang isang doktrina ng INC, pakinggan natin ang pamamahala dahil siya ang sugo ng Diyos.”Ibig sabihin, kahit wala sa Biblia, basta utos ng pamamahala, kailangan sundin.
Hindi ko alam kung paano ko malalampasan tong mga hadlang na to. If ever aanib ako sa INC, kailangan talagang “tawagin ako ng Ama” tulad ng sinasabi ng mga kapatid. Kailangan maramdaman ko talaga na eto ang katotohanan. Kung pwede lang sana may vision ako na tama ang INC para ok na.
Maganda ang experience ko sa INC. Mabait ang mga kapatid saken at maganda yong feeling ko noong nagsamba ako. Mabuti syang religion. Pero hindi lang ako naconvince na INC lamang ang totoong religion at mali ang lahat ng iba.