07/07/2025
Ang dami ko nagawang vlog noon,halo halong content kasi aspiring vlogger nga, walang guidance masyado pano ang tamang pag vlog. Basta kung ano yung maisipan ko na gawing video yun na yun. Insperado gumawa ng video palage gawa ng mga iniidolo ko sa vlogging industry at sa mga tropa nadin na vlogger. Hindi masyado napansin mga vlogs baka may kulang or inconsistency.. pero masaya ako sa mga panahon na nagbavlog pko. Nakaranas din ng “idol pahinge sticker” “idol papicture” kahit sa byahe may nasunod para bumati. Meron din mga rider na naabutan ng sticker. Masaya talaga promise. Pero dumating yung araw na bigla na lang natigil lahat. Wala ng kilos wala ng gana. Na hacked page na pinaghirapan mo palawakin ang community/followers. Sabe ko wala na pag asa. Hanggang wala na talaga. After 4 years pinanood ko mga vlog ko noon. Hahahahahaha nakakatawa na nakakatuwa kasi nagawa ko yung mga bagay na never ko naisip na gagawin ko mga yun. Totoo yung sinasabe minsan ng mga nag bavlog!! For the memories din talaga! Hindi din dahil lang sa pera or kasikatan. Believe ako sa mga motovlogger noon na hanggang ngayon patuloy na nagbavlog kahit hindi pa sila masyado kilala. Masaya ako at naranasan ko maging aspiring vlogger.
Ito pinanood ko kaya ko narealized na yung mga videos ko for keeps din pala for the memories din ang banat. 😂😂😂😂 share ko lang din.
PLS DONT FORGET TO LIKE COMMENT AND SUBSCRIBE. CLICK MO NA DIN NOTIFICATION BELL PARA UPDATED KA LAGE SA MGA BAGONG VLOGS NA ILALAPAG KO.. PEACE! ...