12/20/2025
Sa Sabado, December 20, 10:00 PM Philippine Time (9:00 AM EST), muling magbabalik ang Tinig Pinoy Radio para sa isang masayang Christmas livestream! Hatid ng ating ever-charming, funny, at reliable hosts:Annie G, Lorens Borsich, Chef Buddy, at Regina Sosing – ang isa na namang oras ng saya, kwentuhan, at siyempre, musika.
Dahil papalapit na ang Pasko, puno ng festive vibes ang episode na ito. Kasama sa lineup ang mga bigating performers: Ottawa’s Dr. Addie Bantug, singing teacher Alaixa Chii, Davao’s Bing Negrosa and Daisy Boelter of the Golden Songbirds, the bright and talented teen singer Charmelle Badiola, international singer/composer/movie star ELiz, and the dashing balladeer Nants del Rosario. Individually, sila’y maghahatid ng saya at feel ng kapaskuhan para sa ating mga Katinig, kaibigan, at kababayan kung nasaan man sa mundo.
Kaya samahan po ninyo kami sa isa na namang oras ng Tinig Pinoy Radio, kung saan lahat ng tinig ay ipinagdiriwang, at ang diwa ng Pasko ay muling mararamdaman sa musika at pagkakaisa.
And who knows, baka ang ating Game Master na si Zaida Jazmin ay makakasama natin sa dagdag na saya bukod sa ating roleta pampa gudvibes! Maligayang Pasko po sa lahat!
Want to create live streams like this? Check out StreamYard: