09/24/2026
Ito na yung pinakahihintay at kinakatakot ko mga tol. Na mawalan ako ng status dito sa canada. Pero nagpapasalamat parin ako sa mga taong ito kasi hindi nila ako pinabayaan. Ito yung unang unang trabaho ko na sineryoso ko kasi dito ako naging masaya. Simula noon pa wala akong ibang trabaho kundi ito lang. Simula noon ay hindi ako nag cashjob. walang cashjob talaga ,walang part time job. kasi medyo ok itong company na napasokan ko. Noong pa expire ang una kung permit ay binayaran pa nila ang fee ng extension ko. Dun na talaga ako naging sobrang matapat sa kanila kasi tinolungan nila ako sa papers ko. Wala akong ka alam alam sa mga pagkain dito sa canada pero tinanggap parin nila ako. Sobrang dami kung natotonan sa kanila. May mga araw na nagtatampo ako sa kanila pero hindi ko talaga maipaliwanag eh. Sobrang bait nila sa akin sobra. Kaya pinagbutihan ko yung trabaho ko ng lalo. Tapos ayon na nga nawalan ako ng status noong september 12 napakasakit kasi mag 3 years na sana ako sa september 25. Sobrang iyak ko mga tol. After ng 3 years may mga benefits na matatanggap ka sa company. at baka ipromote pa sana ako pero wala na talaga. Halo halong emosyon ang naramdamam ko nong araw na yon.🥺 Mamimiss ko kayong lahat kahit hindi ko man masabi sainyo ng harapan ay sobrang pasalamat ko sainyo mga brother ❤️🥹 Mag iingat kayo lagi. Sobrang mamimis ko kayo! Love you all! 🍻