03/28/2025
Ang realidad ng pagtupad ng pangarap ay mahirap…Minsan mapapaisip ka masama ba mangarap ng mataas lalo na para sa kinabukasan ng iyong mga anak.??
Madali sana ang buhay kung hindi mangangarap ng mataas (pero sa kabilang isip totoo ba magiging mas madali ang buhay kung wala pangarap?)..Iba iba ang mga daan ang ating dinaraanan,ibat iba din ang mga hirap na ating hinaharap ,masakit isipin pero kadalasan ng hirap na dinaranas natin ay dulot ng mga tao nasa paligid natin..
Kapag iniisip mo may mga tao pala ganun lumaban kahit nakikita mo sila ay nakakaangat na sa buhay,..Akala mo sila ang magiging inspirasyon mo para maging matapang at magkaroon ng lakas para balang araw kung ano meron sila maranasan mo din,pero isang pagkakamali dahil sila pala ang mga tao hihila at gagawa ng paraan para hindi mo sila matapatan..
Ang ganda ng tingin mo sa kanila at nirerespeto mo sila pero hindi pala lahat ay dapat bigyan ng maganda tingin at bigyan ng respeto..
Ang totoo aral ng buhay ay unahin mo bigyan ng respeto ang sarili mo ,mahalin ang sarili ,at tignan mo ang mga tao hindi ka iniwan kahit lahat sila ay nahusgahan kana base sa mga narinig nila..
Ang lalim ng sugat na dinulot na halos hindi mo alam paano bumangon,nagkamali Oo pero hindi iyon sapat para husgahan at hilahin pa lalo na pababa..
Salamat sa mga tao hindi ngiwan hindi ng husga iba iba man ang inyo naging paraan pero tagos sa puso ang pakiramdam ng inyo pagdamay..
Ang pagtawag sa taas ay isang malaki tulong kung wala kana nakikita liwanag para makaradam ng kapatawaran,itawag at isuko mo lahat at isang araw magugulat ka na lang dahil ang akala mo hindi mo malalagapasan magugulat ka na unti unti na gumagaan…Ang akala mo kabiguan dahil iyon ang tingin ng nakakarami ay siya pala blessing galing sa kanya..
Patuloy lumaban para sa pangarap hindi kana lumalaban para sa sarili mo lumalaban ka na dahil paglingon mo may mga mata nakatingala sa iyo para sabihin kung gaano ka nila hinahangaan at nagiging malakas sila dahil malakas ka..
Balang araw kwento na lang ang lahat at babalikan para sa sabihin napagtagumpayan mo dahil sa gabay ng Poong Maykapal🙏
Hindi na nanaisin gumanti kung hindi nanaisin magpasalamat dahil minulat ang mga mata para makita ang katotohanan kung ano klase tao kayo..Salamat dahil lalo naging matibay na lumaban sa buhay dahil sa inyo..Ang tangi hiling ay naway naging dulot ng saya ang lalo guminhawa ang inyo mga buhay…