01/08/2024
Real talk: sabi ko sa nabili nang alak, kung inipon mo lahat nang pinambili mo nang alak siguro marami ka nang ipon. Sabi nya ikaw nga di nainom may ipon ka ba? Napaisip ako. Oo nga noh! Sampal sa akin yun🤔😭. Sa tagal ko nang nasa abroad may ipon nga ba ako? May naipundar man lang ba ako? Napuntahan ko na ba ung mga lugar na gusto kong puntahan? Nagawa ko na ba ung mga gusto kong gawin? Parang kahit isa dun wala ata akong na-accomplish. Sa edad kong ito parang wala pa akong napatunayan sa lahat nang paghihirap at pagsusumikap ko. Nakakalungkot isipin na sa tinagal-tagal ko nang nasa abroad at nag ttrabaho ganito pa rin ako, isang mahirap.
Ung tipong ginagawa mo naman lahat, pero sadyang ganun pa rin ang buhay mo. Sasabihin pa ni Tyang Marites, Tyang Mirasol at iba pang Tyang..”Oi siguro mayaman kana”. Nakakatawa na nakakainis…. Mag tatrabaho ka para may pambayad ka nang bills dahil wala namang libre dito (ah meron pag naka tira ka sa apt libre ang tubig 😂😂😂). Sympre kailangan mong tumulong sa pamilya, number 1 un dahil un ang dahilan kung bakit ako narito ngaun sa abroad.
Kahit mahirap ang buhay basta walang may mga sakit. Kahit nahihirapan at napapagod, laban pa rin sa buhay.
May naipon, naipundar, nagawa at na accomplished naman ako sa buhay. Sa laki nang bilbil ko, sus! Pinaghirapan ko kaya ito. 😱😱😱😂😂😂 ayay yay…
Ang mahalaga patuloy tayong lumalaban, nag susumikat at wala tayong taong inaapakan. Anu’t ano pa man darating din ang swerte natin sa buhay. Di naman pera lang ang nakakapag pasaya sa akin, dahil kung pera lang eh siguro nga tama sila mayaman na ako ngaun. Ayay yay…
Kung iisipin ko ang buhay ko nun masasabi ko malayong malayo na ang narating ko. Mahirap pa rin pero di katulad dati, kumbaga may asenso kahit kunti. Oh di ba.
Ipapakita ko sa mga susunod na video ko kung bakit nasabi ko na may pag asenso naman ang buhay ko. Kahit wala pa akong ipon $$$$$$$$… ayay yay… daming $ sign 😃😃😃
Grateful and thankful pa rin ako sa mga blessings na meron ako ngaun at mga darating pa.🙏🙏🙏