
07/29/2025
π¨π¦ Mag Expire na yung Work Permit niya at mag TNT na lang daw siya dito sa Canada
Sabi niya, ayaw na daw niyang bumalik sa Pilipinas. Mag eexpire na kasi ang work permit niya next month, wala daw siyang mahanap na LMIA kahit saan dito sa Canada, at wala din daw siyang pera para mag international student. Binigyan na siya ng ticket pauwi ng employer niya, pero ayaw niyang gamitin. Gusto niya daw mag TNT na lang daw siya at magtago na lang dito habang nagka cash job (under the table) habang nag aantay ng opportunity.
Sobrang na enjoy niya daw ang buhay sa dito Canada. Sabi niya, βAyoko na bumalik sa hirap ng buhay sa Pinas dito, kahit paano buhay na buhay ako.β
Gets ko. Grabe. Ang hirap nga naman bumalik kung alam mong mas maganda ang naging buhay mo dito. Hindi biro ang pinagdadaanan ni Kuya. At hindi rin madali ang desisyon niya.
Pero sa totoo lang, ang laki ng risk ng gusto niyang gawin.
β‘οΈ Wala siyang medical coverage, paano kung bigla siyang magkasakit? E nasa 40 na rin siya, baka unti unti nang lumalabas ang mga health concerns.
β‘οΈ Pag may nagsumbong or nahuli siya, may record na yun sa IRCC.
β‘οΈ Sa future, baka madeny na siya kung gusto niyang bumalik or magapply ng PR or visitor visa.
β‘οΈ Wala na ring proper protection bilang worker, paano kung maloko siya ng employer or maaksidente sa trabaho?
Hindi madali, hindi talaga. Pero minsan, kailangan nating timbangin, mas matimbang ba ang risk kaysa sa pag asa?
May ibang kababayan tayo, umuuwi muna ng Pilipinas, then bumabalik dito nang legit, mas ready, mas buo, mas determinado. May Canadian experience na sila, kaya mas lamang sila sa ibang applicants. May iba rin na ginagamit ang ipon para mag negosyo muna sa Pinas, habang naghahanap ng bagong opportunity.
Yung iba, nag try muna sa ibang bansa tulad ng Japan, Korea, New Zealand, or Middle East, dahil minsan, may ibang daan talaga papunta ulit sa pangarap mo. Babalik ka rin sa Canada.
Para sa akin, huwag tayo basta basta mawalan ng pag asa. Pero para sa akin talaga, mas okay pa rin yung dumaan sa tamang proseso. Kasi pag malinis ang papeles mo, mas madali at mas malawak ang pinto ng mga oportunidad.
Pwedeng mahirap muna ngayon, pero baka ito ang step pabalik na magdadala sayo ng mas solid na comeback. πͺπΌπ¨π¦π