12/03/2025
Bago pa ma Approved ang sponsorship ni Afam nakarating na ako sa Canada bilang Temporary foreign worker🇨🇦
May 25 2022 noong mag browse ako sa Google, tinanong ko si goggle kung paano mag apply ng work sa canada na online, ( naiinip na kase ako sa Application namin na Commonlaw spouse or family sponsorship) may mga suggestions na pinakita, si Google job bank, at indeed.ca
Nag search ako ng work na related sa experience ko,
may nakita akong tailor shop na hiring sa indeed.ca at same province ni Afam ang location ng tailor shop, hindi na ako nag dalawang isip pa , nag submit agad ako ng application, nag create ako ng resumè sa mismong website ng indeed.ca
Sabi ko try try lang wala naman mawawala.
June 01,2022 nakatanggap ako ng email sa tailor shop na pinag aplyan ko, at nag iwan ng number pwede ko daw tawagan sa WhatsApp.. Sabi ko ulit try try lang wala naman mawawala, hindi ako natulog till 3am ng madalling araw para makatawag magkaiba kasi ang oras sa pinas at canada.
Luckily yung mismong owner ang nakasagot ng tawag ko, at ang sabi nya natutuwa daw sya out of 100 na applicant ako daw ang magaling mag English at ako lang daw ang Filipino na applicant.
(Ikaw ba naman ang may Afam na kausap araw araw gabi gabi)😅 masasanay ka talaga mag English.
After ng first phone call na parang initial interview na, 3 ang ipinapagawa sa akin (1)mag send daw ako ng video na nagtatahi at kunwari mag accommodate ng customer (2) Mag take ng IELTS Exam (3) mag medical... Sabi ko ulit sa sarili ko wala naman mawawala kung mag try, though magagastusan ako sa IELTS hindi naman din masasayang kase valid for 2 years na..
Meron din akong medical na nung time na ito valid pa ang medical ko na ginamit sa sponsorship application namin ni Afam (commonlaw).
Natapos ko lahat ng July, take 1 lang ang IELTS ko at mataas kaagad ang band score ko😇pagka submit ko lahat ng pinagawa ng employer, sabi nya ok just wait.. I apply na daw nya ang LMIA need kasi yan pag foreign workers. Wala akong narinig sa kanya ng buong month ng August..
Sept 1 nag Email ako hindi sya nag reply🙁
Sept 05 naka received ako ng email na ang laman ay LMIA na naka pangalan sa akin😍
Sept 10 nag lodge na ako ng online application sa Ircc para sa working Visa, Nov.05,2022 na Approved na ang working Visa ko..
Next submit na sa vfs global sa makati para matatakan na ang passport at yan na nga may stamp na ng Canadian working visa😇 ang bilis ng pang yayari😅 next mahabang pasensya pag apply ng OEC hindi ka makakalabas ng Pilipinas as immigrant worker pag wala nyan (alam naman natin pag sa Pilipinas paper works na ang pag uusapan walang madali 😆
Jan 07,2023 kopa natapos ang OEC.
Finally Nag book na ng ticket Jan 20,2023
Kalagitnaan ng winter🙂
Landed na sa Canada🇨🇦 ❤️😇
Moral of the story:
walang nagiging successful na hindi sumusubok.
Diba nga try and try until succeed!😊
I'm sharing my experience in life para magkaroon ng idea ang iba na hindi alam paano ang gagawin.
Try try lang online work man o Afam ang hanap kailangan talaga mag effort at samahan ng dasal,. hindi man dito sa Canada, malay mo maka tyamba ka din❤️