04/01/2023
LONG POST!! April Fools 2023
Nakakainis yung mga taong ginagawang biro yung pag-bubuntis.
Yung mag po-post na positive na buntis pero April Fools lang pala?! May pa pregnancy tool pa! 🤦♀️🤦♀️🤦♀️
Alam nyo ba na hindi dapat gawing biro yun?
Bakit?
1. Maraming kababaihan ang 'di magawang mabuntis dahil sa maraming dahilan.
Like May pcos, other health issues at iba pa.
2. Nabuntis pero nakunan. O yung bata sa sinapupunan ang may health issues.
(Oh wait!! Sasabihin nyo kasalanan nila? Kasi pabaya sila?
NO! May dahilan kung bakit! )
3. Pwedeng yung partner nila ang may problema.
4. Pwede ding gusto nila pero mas pinili nilang 'wag na dahil mas may importanteng dahilan.
5. Pwede ding mas pinili muna ng mag partner na unahin ang pag paplano for the future bago bumuo. (Kaya nung time na gusto na nila, nahirapan silang makabuo) masakit sa part nila yun.
Yung iba nagbabayad pa ng hundreds of millions para lang makabuo at magkaron sila ng supling at magka-anak
Nag ha-hire ng tao at kung ano pa.
'Tas ikaw na nagpopost ng April fools about pregnancy gagawin mo lang katatawanan?
Not just pregnancy. May iba pa.
'Wag mong hintaying mangyari sayo. Para masabi mo sa sarili mong "ay dapat pala di ako nagbiro ng ganun!"
I don't want to say sorry for this post, but this issue about sa april fools na yan. Tuldukan nyo na. 2023 na e.
Palabiro din akong tao, 'di ako perpekto.
Pero 'di lahat ginagawang katatawanan. Maging sensitive ka naman (Tayo)!
This post was not fool(s).
-MommyDev