20/12/2025
Ano yung naaalala niyo sa inyong lola?
Kapag umaalis ang mga magulang ko noon pa-manila iniiwan ako sa aming lola.
Tuwing linggo, dinadala ako ng lola ko sa bayan kapag magtitinda siya ng tabako. Kapag nakakabenta siya binibilhan ako ng "dirty ice cream" sa monay na tinapay. Yummy! 😋
Mag-iihaw din siya ng atay ng babsie tapos lalagyan lang ng sibuyas, s**a at asin tapos yun na ang ulam namin. Di ko rin malilimutan yung masarap niyang adobo. Mmmm...
Pero eto talaga yung winner, tuwing matutulog kami sa 2nd floor ng bahay niya noon, nakabukas ang mga bintana nila na made of "capiz shell" at takot na takot ako noon kasi uso yung mga kwento about aswang, manananggal at tikbalang. 😂🤣😂 Ang masaklap pa noon, iiwanan ako sa madaling araw kasi oras na ng gising niya. Naalala ko nakatalukbong na lang ako ng kumot at hindi na gumagalaw sa sobrang takot. 🤣 Oh those were the days...