12/05/2025
Kung ipaglaban niyo ang natitipuhan niyong kandidato ay wagas. Karamihan diyan hindi naman kayo kilala ng mga yan, hindi rin sila ang magbibigay sa inyo ng kakainin niyo sa araw-araw. Relax, kung sino man manalo, wala naman tayo magagawa diyan pero yung ipaglaban mo ng patayan yan lalo sa mga kaibigan mo at kamag-anak mo hindi na tama yan. Respeto ang pairalin dahil may kanya kanya tayong prinsipyo.