27/11/2025
Dahil marami ang mga posts regarding dito, narito ang ilang info mula sa LTO Order:
Saan nga ba pwede ang Electric Vehicles?
- Barangay roads lang ang puwedeng daanan ng mga mababagal na EV gaya ng e-bike, e-scooter, at e-trike.
- National, provincial, at city roads— bawal sa mga ganitong kalsada ang karamihan sa EVs, lalo na kung mababa ang speed o magaan ang katawan.
- Puwede tumawid sa mga major roads kung walang ibang daan, basta magbigay-daan sa mga mas malalaking sasakyan.
🛵 Mga Uri ng EV at ano ang restrictions:
- Personal Mobility Scooter / Kick Scooter
-pang-sidewalk at private roads lang, walang lisensya o rehistro.
- Category L1a/L1b
– pang-barangay roads, max speed 25–50 km/h, helmet required pero walang lisensya o rehistro.
- Category L2a/L2b (e-Moped 3w)
– pang-local roads, hindi pang-public transport, helmet required.
- Category L3 (e-Motorcycle)
– puwedeng gamitin sa lahat ng kalsada (maliban sa expressways), kailangan ng lisensya at rehistro.
- Category L4/L5 (e-Trike)
– pang-kargamento o pasahero, may speed at weight limit, kailangan ng lisensya at rehistro.
- Category L6/L7 (e-Quad)
– maliit na apat na gulong, puwedeng gamitin sa minor roads, walang helmet requirement.
- Category M/N/O (e-Car, e-Truck, e-Bus)
– sumusunod sa regular na patakaran ng mga diesel/gas vehicles.
Pagpaparehistro ng Bagong Modelo
- Kung magbebenta ng bagong EV model, kailangan magsumite ng specs sa LTO 3 buwan bago ito ilabas. (Trabaho ng manufacturers)
- May listahan ng mga dokumento para sa classification at registration.
Mga Parusa:
- Walang helmet: ₱1,500
- Walang OR/CR: ₱1,000
- Expired o walang rehistro: ₱10,000
- Bumyahe sa bawal na kalsada/ daanan: P1,000
POST FROM: Councilor Atty. Ronalyn Pordan