02/08/2024
Sa pagdiriwang ng ikatlong Parade of Lights o Parada ng mga Ilaw, nagtipon ang mga residente ng lungsod ng Can-avid upang makiisa sa masiglang pagdiriwang ng kultura at tradisyon. Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang aktibidad na ito bilang bahagi ng pagpapalaganap ng kasiyahan at pagkakaisa sa komunidad.
Ang parada ay nagpasiklab kung saan makulay na mga ilaw at dekorasyon ang bumida. Dumalo ang libu-libong mamamayan upang panoorin at suportahan ang mga pambato ng bawat barangay na nagpakita ng kani-kanilang disenyo at talento.
Ang naging kampeon sa ngayong taong kompetisyon ay ang Cluster lll na binubuo ng barangay 8, 9, at 10. Sila rin ang nakatanggap bilang pinakamahusay sa koreograpia. Habang, ang nakakuha naman sa unang pwesto ay ang Cluster VII mula sa barangay ng Can-ilay, Salvacion, Pandol, Boco, at Balagon. Cluster l naman ang nakasungkit ng ikalawang pwesto mula sa barangay 1, 2 at 3.
Sa naganap na parada't eksibisyon, ang bawat grupo ay naghatid ng iba't ibang istilo ng salaysay, maging ito ay isang kakaibang panaginip, isang pagpupugay sa mga makasaysayang palatandaan, o isang paglalarawan ng lokal na paraan ng pamumuhay. Pinalamutian ng mga kumikinang na kasuotan ang mga kalahok na nagmamartsa kasama ang kanilang mga kahanga-hangang pag-indak na gumawa ng isang biswal na simponiya na mapamihag sa mga manonood.
Ibinahagi ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na layunin ng parada na ito na pasalamatan ang mga mamamayan sa kanilang dedikasyon at suporta sa pag-unlad ng komunidad. Isa itong pagkakataon upang ipakita ang husay at kahusayan ng bawat barangay sa pagtatanghal ng kanilang mga handog na dekorasyon.
Sa pangunguna ng mga lider ng komunidad at suporta ng bawat sektor, patuloy na nagiging tagumpay at inspirasyon ang taunang pagdiriwang ng Parada ng mga Ilaw.
๐ธ Syd Docena | Ang Eskriba
Jocianille Daileg | Avid Scrivener
๐ชถMichaella Legion