27/01/2026
HINDI KO KINAYA ANG UGALI NG FAMILY SIDE NG GIRLFRIEND KO SA PROBINSYA NILA, NANDIDIRI AKO KAYA NAKIPAGHIWALAY AKO...
Hello Ambenture.
I'm Dacquel, 26, call center agent sa Quezon City.
Nakilala ko ang girlfriend ko na si Cess sa trabaho. Magkateam kami sa isang BPO work pareho kaming puyat, pareho kaming umaasa sa sahod tuwing kinsenas.
Siya yung hindi kumikibo sa umpisa, pero pag nasanay ka na makulit at palatawa na. Sa pagitan ng irate callers at shifting schedules, naging kami.
Seven months pa lang kami noon. Hindi pa kami live-in, hindi pa kami umaabot sa “pakialam ko na sa lahat ng ugali mo” stage. Kaya nung inimbitahan niya akong umuwi sa kanila sa somewhere in B... parang may event sila before, kinabahan ako pero game. Gusto kong makilala ang pamilya niya. Gusto kong mag-effort.
Mahaba ang biyahe namin. Bus, zigzag na kalsada, malamig na hangin. Pagdating namin sa house nila, ang dami nila grabe buong angkan parang isang barangay. May tugtog, may mga batang takbuhan at amoy ng ulam na pang-isang barangay.
Masaya dun kasi ang lamig sobra. Natuwa ako.
Hanggang sa oras na ng kainan.
Mahabang mesa at isang malaking bandehado ng pancit sa gitna. Sabay-sabay silang kumuha. Akala ko kukuha lang, ilalagay sa plato normal na ginagawa ng tao. Pero hindi.
Diretsong subo. Kain. Tapos… ibabalik yung tinidor sa bandehado. Hahaluin ulit. Kuha ulit. Subo ulit.
Napatingin ako kay Cess. Ngumiti lang siya. Parang sinasabi, “Normal lang ‘to.”
Okay na sana na pancit lang.
Pero habang lumilingon ako sa mesa, nakita ko ganun din ang adobo. Ganun din ang menudo. May sabaw, may sarsa, may karne… at ngayon, may halo na ring laway ng buong pamilya.
Matatanggap ko pa sana kung lechon yun. Kamay-kamay talaga ‘yon. Kahit sino pwede humawak. Pero ito? May kutsara, may tinidor, may balik-balik galing bibig. Hindi na ulam, community saliva bowl na siya.
Hindi ako nag-react at nag-lecture. Hindi ako nag-“alam mo sa Manila…”.
Kumuha na lang ako ng saging at tinapay. Safe. Dry. Walang backwash.
Pero napansin nila na.
“Hindi ka kumakain?”
“Maarte naman.”
“Ganito talaga dito.”
“Taga-Manila kasi ‘yan.”
Call center agent lang ako na sanay ngumiti kahit gusto ko nang mag-log out sa buhay.
Pagkatapos ng kain namin, kinausap ako ni Cess.
Bakit daw hindi ako kumain. Sinabi ko nang maayos. Hindi ako komportable hindi ako sanay na ganun balik subo ang tinidor. Hindi ko siya pinipigilan kumain, nirespeto ko yun pero sana huwag din akong pilitin.
Nagbago ang tono niya sakin. Sinabi niyang bastos daw ako. Na parang minamaliit ko ang pamilya niya. Na ang arte ko raw para sa isang simpleng handaan lang.
Hindi sa pagiging maarte yun. Cleanliness at hygiene ang tawag dun.
Pitong buwan pa lang kami, pero pinipilit na niya akong lumunok ng pagkain na ayaw ko para lang hindi siya mapahiya.
Seven months pa lang kami pero gusto na niya akong gawing certified survivor ng barangay saliva challenge.
Sorry ha, mahal kita noon pero hindi ako lumaki sa “kuha–kain–balik” system.
Call center agent ako na sanay sa mura ng customers, pero hindi sa adobo na may laway ng buong angkan.
Kung kaya ka niyang pilitin kumain ng ulam na puno ng laway, hindi ko na kaya.
Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil natatakot akong maulit pa yun. Please don't judge me na parang maarte akong lalaki.
G4go ba ako sa ginawa kong yun?