15/07/2025
Joke lang poh😂😂😂✌️✌️✌️ pero kidding aside laki ng tulong ng asawa kung afam para mabago ang buhay ko, at hindi ko ideni deny yon.Kung di dahil sa kanya diko alam kung ano ang kalagayan ko ngayon.Oo nga nakapagtapos din ako ng college pero hindi yon kasiguradohan na magkakaron ako ng magandang buhay lalo na sa kurso na tinapos ko, at isa pa hindi ko maimagine ang sarili ko na magtuturo kaya diko din alam kung anong trabaho ang mapapasokan ko sa pilipinas.Pero noon pa man gustong gusto ko na talaga magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kakaunting oportunidad sa pilipinas, ang pagiging ofw lang ang nakikita kung paraan para kahit papano guminhawa ang buhay.Hanggang nakilala ko asawa ko. Pero syempre bago ko pa nakilala asawa ko dami na munang nangyari sa layf ko, at hindi ko na iisa isahin😂
Basta masasabi ko lang, asawa ko ang naging tulay para mabago ang buhay ko na dati walang direksyon kaya salamat sa kanya.Kaya sa mga may asawa na afam, alagaan nyo mga asawa nyo, alagaan nyo relasyon nyo. At kung may pagkakataon magtrabaho kayo, samantalahin nyo na nasa lugar kayo na hindi importante ang pleasing personality at minimum 2 years experience sa trabaho.😂Basta masipag ka, handang matuto, at di namimili ng trabaho. GO lang! Kapag pinanghihinaan ka ng loob, o kaya nalulungkot ka dahil namimiss mo pamilya sa pilipinas, balikan mo lahat ng pinagdaanan mo, ikumpara mo sa kalagayan mo ngayon, malamang masasabi mo na lang na di ka pwedeng panghinaan ng loob, kasi wala pa yan sa mga pinagdaanan mo noon.❤️❤️❤️🌏🌎